30/07/2025
25 YEARS AGO — Taong 2000, ginulat ng isang 24 year old na Filipino na nagngangalang Onel de Guzman ang mundo nang makagawa ito ng Computer virus, ito ay ang "I love you virus" na sumira sa lahat ng computer system ng buong mundo. Tinatayang may damage ito ng higit sa sampung bilyong dolyar o 5 Trilyon pesos.
Estudyante pa lamang noon si de Guzman, nakagawa ito ng isa sa pinakaunang virus o program code nang 'di sinasadya, ang virus ay nakapagnakaw ng lahat ng password, once na binuksan ang animo'y letter na may bentaheng "I love you, letter for you", na kapag binuksan mo ang letter na ito noon, mag-si-send ito sa lahat ng iyong contact o lahat ng email mayroon sa iyong computer, unang napadala ni de Guzman ang virus sa isang kaibigan sa Singapore at doon nagsimulang kumalat sa buong mundo.
Ilan sa sinira ng virus ang data ng The Pentagon o ng Central Intelligence Agency (CIA) ng Amerika at British Parliament sa Englatera at lahat ng malalaking kumpanya sa mundo, sinara rin ng virus ang lahat ng data system ng mga ito. Nag-shutdown agad o tinigil ang lahat ng computer database ng karamihan sa kumpanya sa mundo upang hindi mapasok ng virus ang kanilang sistema, dahilan para maantala ang lahat serbisyo sa kanilang mga costumers.
Inaresto si de Guzman ng ating pulisya pero wala namang maikaso dito at pinakawalan din, ang kaganapang ito ang dahilan ng pagpasa na Republic Act No. 8792, or the E-Commerce Law dalawang buwan matapos maging laman ng balita ang Pilipinas dahil sa virus.
Hindi pweding kasuhan si de Guzman dahil epektibo lamang ang batas sa mga sumunod na araw nang maipasa ito. hindi pa nito sakop ang panahon kung kailan nagawa ni de Guzman ang virus.
Sa kasalukuyan namataan si de Guzman sa kanyang sariling Cellphone Repair Shop sa Quiapo, Manila. "Hindi ko alam na ganoon ang mangyayari sa ginawa kong virus, gusto ko lang naman magkaroon ng libreng internet kaya nagnakaw ako ng password, wala pang isang oras kumalat na ito sa buong mundo, nagsisisi naman ako sa aking nagawa, nakakalungkot lang na bahagi ako ng kasaysayan pero sa ganoong paraan." Aniya.