Visit Romblon

Visit Romblon We envision Romblon as an alternative and premier destination, promoting sustainable tourism.

16/08/2026
06/08/2026

"Marble hearts, salty souls.
Hello Romblon!🫶🌊🍃

Mas maayos na pier para sa mga byahero natin na manggagaling ng Lucena.
22/07/2026

Mas maayos na pier para sa mga byahero natin na manggagaling ng Lucena.

22/07/2026

'MASUSI DAPAT ITONG PAG-ARALAN'

Isang seryosong usapin na nangangailangan ng masusing pagsusuri ang naging pag-apruba ng Sangguniang Bayan ng San Fernando sa resolusyong nag-eendorso sa aplikasyon ng Altai Philippines Mining Corporation (APMC), ayon kay Romblon Gov. Trina Frimalo Fabic.

Kaugnay ito ng panukalang pagtatayo ng 42-hectare nickel mining project sa Barangay España sa Sibuyan Island.

Ayon kay Gov. Fabic, bagaman hindi pa pinal ang naturang endorsement, mas mainam na masusi itong mapag-aralan at mabigyan ng pagkakataon ang mga mamamayan na mapakinggan.

Base sa ulat, anim na konsehal ang bumoto pabor sa naturang mining project habang tatlo naman ang tumutol.

22/07/2026

MINING-FREE HAMIGUITAN! PWEDENG-PWEDE RIN SA SIBUYAN!

Dati, tinangka din yang minahin. Pero nanalo ang tao.
July 14, 2004: Naging NIPAS LAW RA 9303
June 23, 2014: Naging UNESCO WORLD HERITAGE SITE
Resulta: Protektado. May eco-tourism. May buhay ang bundok.

Ganyan din ang pwedeng gawin sa SIBUYAN 🌿

PROOF NA KAYA:
May Mt. Guiting-Guiting Natural Park RA 7764 simula February 23, 1994. 15,700 hectares na protected area sa gitna ng isla. Patunay na kaya ng Romblon at ng gobyerno. Pero kulang pa. Bundok lang ang protektado.

Bakit dapat protektahan ang BUONG SIBUYAN?

1. Biodiversity: Tinaguriang "Galapagos of Asia". May mahigit 700 species ng halaman at 54 endemic na halaman. Kasama dito ang Nepenthes sibuyana - Sibuyan pitcher plant, at Rafflesia magnifica

2. Tubig: May 28 major river systems at watersheds. Buhay ng tatlong bayan. Kabilang ang Cantingas River, Magdiwang River, at España River. Ito ang pinagkukunan ng inuming tubig ng buong isla

3. Gubat: May ultramafic forest at dwarf forest sa Mt. Guiting-Guiting. Ang ilang puno dito ay daan-daang taon na

Paano?
Gayahin natin ang Hamiguitan model: Magpasa ng Mining-Free Ordinance ang San Fernando, Cajidiocan at Magdiwang
Itulak natin sa Congress ang "Sibuyan Island Protected Landscape and Seascape Act"

Buong isla. Bundok, ilog, dagat. Mining-Free.

Kung nagawa sa Hamiguitan.
KAYA RIN SA BUONG SIBUYAN.

17/07/2026


IPAMANA HUWAG IPAMINA

09/07/2026

04/05/2026

Natuklasan ng mga Pilipinong mananaliksik mula University of Kansas ang isang panibagong frog species na kasinglaki ng microSD card sa Mt. Guiting-Guiting Natural Park, Sibuyan Island. | via TV Patrol

28/04/2026

Tara na ngani!

Address

Banton

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Visit Romblon posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Business

Send a message to Visit Romblon:

Shortcuts

Share