27/03/2026
“Brownout ready na ba mo? 😅⚡ ”
Sa mga darating na araw, maraming Pilipino ang haharap sa posibilidad ng blackout o kakulangan sa kuryente. Ang sitwasyong ito ay hindi lang dahil sa lokal na problema, kundi naaapektuhan din ng mga global na pangyayari.
Ka-TroPi, real talk lang hindi talaga maiiwasan ang blackout minsan, pero puwede tayong maghanda para hindi masyadong hassle. Eto ang advice ko:
1. Mag-charge lagi 🔋
Huwag mo nang hintayin na malapit na ang brownout. Make sure laging ready ang phone, powerbank, at laptop kung kailangan.
2. Mag-stock ng essentials 🕯️
Candles, flashlight, at extra batteries—simple pero sobrang helpful kapag biglang nawalan ng kuryente.
3. Magtipid sa kuryente ⚡
Kung hindi naman kailangan, i-off ang appliances. Malaking tulong ito para hindi ma-overload ang system.
4. Maghanda ng offline na libangan 😄
Mag-download ng movies or music, or maghanda ng board games para hindi ka ma-bored kahit walang internet.
5. Stay updated palagi 📢
Makinig sa announcements ng inyong electric company para alam mo kung kailan at gaano katagal ang blackout.
6. Chill lang, huwag ma-stress
Minsan, magandang chance din ito para magpahinga sa gadgets at makipag-bonding sa pamilya.
Kung ako sayo, gawin mo na lang itong “mini reset” moment kaysa ma-stress ka pa 😅..