30/06/2025
Para sa mga seafarers, OFWs, at biyahero, mahalagang alam ang mga bawal sa check-in luggage at hand carry sa airport para iwas delay, multa, o kumpiskahan ng gamit.
🛄 Mga Bawal sa Check-in at Hand Carry sa Airport
✅ BAWAL SA HAND CARRY (CABIN BAG)
🧳 Usually 7 kg lang ang hand carry. Heto ang mga STRICTLY BAWAL:
❌ Matutulis na bagay
• Balisong, kutsilyo, gunting
• Screwdriver, blade, tools
Kahit maliit, bawal talaga.
❌ Liquid na lagpas 100ml
• Lotion, shampoo, toothpaste, perfume
• Tubig, softdrinks, gatas
Dapat nasa 100ml per container lang at kasya sa 1-liter transparent ziplock.
❌ Lighter, posporo
• Bawal ang torch lighter
• Iisa lang ang lighter na pwedeng dalhin at dapat nasa bulsa, hindi sa bag
❌ Power bank na lagpas 27,000 mAh (100 Wh)
• Check ang mAh ng power bank mo.
• Dapat nasa hand carry lang, bawal sa check-in.
❌ Explosives, fireworks, toy guns, stun gun
Kahit laruan o prop, bawal sa cabin.
🚫 BAWAL SA CHECK-IN BAGGAGE
❌ Power bank, lithium batteries
• Dapat nasa hand carry lang
• Bawal sa check-in kahit naka-off
❌ Flammable liquids/chemicals
• Alcohol (in large amounts), paint, thinner, fuel
• V**e juice na sobra sa limit
❌ Explosives, fireworks, dynamite, etc.
❌ Live animals (maliban kung may permit/pet cargo)
❌ Compressed gas tanks / Spray paint
❌ Perishable food na madaling masira o may matapang na amoy
• Bagoong, durian, hilaw na isda (without proper packaging)
🔍 Pwedeng Dalhin Pero May Limitasyon
✔️ V**e or E-cigarette
• Dapat nasa hand carry
• Max 2 devices lang at ilagay sa case
• Max 2 bottles lang ng juice (100ml each)
✔️ Medicines
• Dalhin ang prescription kung may iniinom kang gamot
• Ilagay sa hand carry at huwag kalimutan ang doctor’s note kung injectable (like insulin)
✔️ Food Pasalubong (Baked Goods, Chocolates, Dried Fish)
• Pwede sa check-in kung sealed at maayos ang packaging
• Mas maganda sa check-in para di masita sa inspection
📌 Tip: Huwag Magdala Ng…
• Mga sobra-sobrang canned goods (lalo kung 6+ cans)
• Alcoholic drinks na sobra sa limit (usually 2 bottles lang allowed)
• Tubig sa hand carry – bibili ka na lang after immigration