01/06/2024
Boracay 2nd Day 🌊🌴🐚✨
Early morning nagpunta na kami ng beach front para mag coffee. I bought coffee sa 7-Eleven. 60+ something coffee plus water, not consistent ang price not sure why 😅 kinabukasan kasi bumili ako coffee lang yung pinaka maliit 72 pesos haha 😅
Pero may mga sari-sari store nagtitinda din sila coffee and mas mura. Mag sari-sari store ka nalang tutal nagtitipid ka din naman 😊
Anyways, may bilihan naman ng tinapay and it’s affordable.
📌Pan De Boracay
Rate: 7/10 medyo matigas yung tinapay pero kung again tipid tipid laban na sawsaw nalang sa kape 😅
Disclaimer: baka luma lang nakuha naming tinapay. Ikaw kasi pipili at kukuha ng tinapay na gusto mo.
After our breakfast, balik lang ng hotel then mag ayus na. We walked from our hotel going to D’mall to check for klook office because we’re planning for a DIY Land Tour but we ended sa pagsakay ng HOHO and nagbayad kami 180 pesos for 24hrs unli ride. You can book sa klook 😊
From D’mall we waited for HOHO. Anyways, madaming bus stop for the HOHO and we went to Station 1.
We stayed sa station 1 para mag swimming and picture picture. And since mainit, we decided to go to Jonah’s Shake Beach Front and bought some drinks.
I bought, Mango Pineapple for 180 pesos and 1 liter of water for 60 pesos. Grabe ang init kasi talaga.
📌Jonah’s Fruit Shake
Drinks/Location Rate: 10/10 from place to drinks legit nakakarelax.
Note: madaming Jonah’s sa mga stations di lang yung sa Station 1. Pero mas maganda yung place nung sa station 1 😊
After that, we waited for HOHO from Station 1 to BPI, Mcdo (D’Mall) bus stop (📍H8) and we had our lunch break sa Jaspers. Syempre as nagtitipid na traveller nag Longsilog for 110 lang ako may libre na din sabaw and water 😅
Note: cravings ko lang din ang Longanisa.
Jasper’s Tapsilog and Resto
Food Rate: 7/10 okay naman ang food, mailalaban na kung tipid traveller ka. May iilan lang silang pagkain na pricey. Like yung Torta na talong, 70 or 80 pesos yata yung isa. Check Boracay Daily on Tiktok yung na upload na video April 30, 204 makikita nyo prices. 😊
Place: 10/10 naka aircon, malamig kahit madaming tao. May libreng cold water na din. Kung may lagayan ka ng water mag refill ka nalang dun pag kumain ka. Mahal din kasi ang tubig and for sure mauuhaw ka sa init.
After our lunch, bumalik na kami ng hotel para magpahinga. HOHO ulit going to Station X-Hue Hotel (📍H5), nandun kasi ang hotel lakad lang ng ilang minutes pag baba mo.
Pagdating ng hotel, we planned to go sa famous na leaning coconut tree sa Bulabog Beach. As ussual, since sa malayo nag HOHO kami ulit at bumaba ng Bulabog Beach (📍H9).
Bulabog Beach:
Rate: 10/10, napaka peaceful. Tahimik and magaganda mga accomodation.
From Bulabog Beach we decided to watch Sunset sa Puka Beach. Sadly, di namin naabutan sunset dahil sobrang nag enjoy sa Bulabog Beach. So, if balak mo mag sunset sa Puka Beach, mas maaga ka pumunta lalo na kung from Bulabog to Puka layooooo 🥹
We waited for HOHO ulit from Bulabog Beach (📍H9) to Puka Beach ( 📍H19), medyo madilim na nung nakadating kami pero makikita mo padin yung ganda ng kulay ng ulap. May mga bata din na mga locals din na ang gagaling mag take ng pictures. Bigyan mo lang sila ng tip.
Note: Hanggang 7:30PM lang last trip ng HOHO sa Puka Beach.
From Puka Beach, nag HOHO kami ulit going to D’Mall station. Since may natitira pa kaming oras bago cutoff ng HOHO, we decided na mag dinner sa Jabeee! Same lang lasa wag kayo mag expect ng iba, medyo mahal lang ng konti. Haha I ordered 1pc chicken, spag and pineapple for 220 pesos yata haha then I ordered ala carte na Yum Burger for 50 pesos para sa almusal Hehe
After our dinner balik na sa hotel then pahinga tapos konting lakad lakad sa tabi ng dagat. 😊
That’s it for our pagod yet enjoyable na second day in Boracay.
I advised, if you’re planning to ride ng HOHO book na kayo agad sa Klook or from your hotel punta ng main road and wait for Hoho sa mismong Hoho na kayo mag avail ng unli rides nila. In our case kasi, we walked papuntang D’mall di pa kasi kaki aware. Pwede lakarin kaso malayo at the same time mainit kung ayaw mo ng mahabang lakaran book nalang kayo.
That’s it for our DIY Day 2 Boracay Trip 🫶✨🌊