01/08/2026
ππππ ππ πππππππ, ππππππππ ππππ ππ πππ πππππππππ ππππ ππππ πππππ ππππππππ πππππππππππππ ππ ππππππ
Nakatakdang maging sentro ng international sports competition ang Boracay Island sa pagho-host ng 4th Southeast Asia Open Water Swimming Championships mula Agosto 21 hanggang 23, 2026, na gaganapin sa Boracay Newcoast.
Inihahandog ng Philippine Sports Commission, ang tatlong araw na torneo ay pangungunahan ng Philippine Aquatics Inc. katuwang ang Southeast Asia Aquatics, Pamahalaang Panlalawigan ng Aklan, at iba pang ahensya ng gobyerno.
Inaasahang lalahok ang nasa 100 hanggang 120 manlalangoy mula sa walong bansa, kabilang ang 35 atleta ng Pilipinas na sasabak sa men's at women's 3-kilometer, 5-kilometer at 10-kilometer events.
Isa sa tampok na kompetisyon ang 10-kilometer race, na siyang opisyal na distansya para sa Olympic marathon swimming.
Bukod sa kompetisyon, layunin din ng torneo na isulong ang sportsmanship, cultural exchange, at higit sa lahat, ang sports tourism ng Pilipinas.
Malaking ambag umano ang naturang international event sa pagpapalakas ng sports tourism program ng bansa at sa patuloy na pagpapakilala sa Boracay bilang world-class destination para sa international sporting events.
Magkakaroon din ng 2-kilometer at 3-kilometer festival races na bukas para sa lahat ng swimmers na nais makibahagi sa selebrasyon.
Una nang naidaos ang Southeast Asia Open Water Swimming Championships sa Bali, Indonesia at Pattaya, Thailand, bago mapiling maging host ang Boracay ngayong 2026.
Inaasahan ding magpapalawig ng kanilang pananatili sa isla ang ilang delegado mula sa Vietnam, Thailand, Singapore, at Indonesia, na inaasahang magbibigay ng dagdag na sigla sa turismo at lokal na ekonomiya ng Boracay.
Courtesy | Daily Guardian