20/09/2025
Yano ra kaayo sa gipang kawat!!!
Bawat kilos, may katumbas na buwis. Welcome sa Republika ng Tax Pilipinas.Feeding system of the corrupt politicians!!!
โก๏ธSumakay ka ng eroplano? May travel tax.
Parang sinisingil ka dahil pinili mong lumipad palayo sa problema.
โก๏ธNag-donate ka sa kapwa? May donorโs tax.
Kahit kusa mong ibinigay, parang may patong ang kabutihan mo.
โก๏ธ Namatay ka na nga? May estate tax.
Ni kamatayan, hindi makaligtas sa BIR. Bago maipamana, kailangang magbayad muna.
โก๏ธMay trabaho ka? May income tax.
Galing pawis mo 'yan pero parang may kasamang cut si gobyerno sa sweldo mo buwan-buwan.
โก๏ธ Bumili ka ng s**a, bigas, kape, at sardinas? May value-added tax (VAT).
Sa bawat 100 pesos mo, may 12 pesos na agad sa gobyerno kahit para lang sa kanin at ulam.
โก๏ธ Bumili ka ng bahay? May documentary stamp tax, transfer tax, at real property tax.
Hindi lang lupa ang binili mo, pati papel at pirma may presyo. Tapos taon-taon, singil ulit.
โก๏ธMay sasakyan ka? May excise tax, motor vehicle userโs charge, at annual registration fee.
Bawat andar mo, may kasamang andal ng buwis.
โก๏ธNagnegosyo ka? May percentage tax o VAT, income tax, annual registration fee, barangay permit fee, mayorโs permit fee, sanitation permit fee, fire safety inspection fee, at kung anu-anong surcharge kapag late.
Parang may franchise ka ng pagod, pero hindi ka monopolyo.
โก๏ธNagtinda ka online o nagfreelance? Taxable ka rin.
Kahit GCash at QR code lang gamit mo, may โkamusta poโ rin si BIR.
โก๏ธ Uminom ka o nagyosi? May sin tax.
Parang pinaparamdam sa'yo ng gobyerno na "mali 'yan, pero sige, basta may kita kami."
โก๏ธNagpadala ng pera sa pamilya mo mula abroad? May remittance tax at foreign currency transaction charges.
Kahit OFW ka na, hindi ka pa rin ligtas. Bawat pawis mo sa disyerto, may kabawas.
โก๏ธ Nag-import ka ng gamit from abroad? May customs duties, VAT, import processing fee, warehouse fee, at minsan lagay kung ayaw mong matagalan sa release.
Surprise! Mas mahal pa minsan ang tax kaysa sa mismong inorder.
โก๏ธNagbenta ng lupa o kotse? May capital gains tax at documentary stamp tax.
Kahit ikaw ang dating may-ari, may singil pa rin sa pagbenta mo.
โก๏ธPati panalo mo sa lotto o game show? Taxable din.
Yes, kahit ang swerte mo, may kaltas bago pa ma-enjoy.
โก๏ธNagbabayad ka ng tubig at kuryente? May environmental charge, system loss charge, universal charge, at VAT pa sa mismong buwis.
Ibig sabihin, pati bayad sa pagkukulang ng kumpanya, pasan mo rin.
โก๏ธMay cellphone load ka? May excise tax at VAT din.
Kada text at data mo, may kabahagi ang gobyerno.
โก๏ธMay ipon ka sa bangko? May 20% final withholding tax sa interest income at documentary stamp tax sa bank transactions.
Pati pagtitipid mo, may kabawas din.
โก๏ธBumili ka ng gasolina o diesel? May excise tax sa petroleum products.
Kada litro, may dagdag na singil kahit tumataas na ang presyo ng langis.
โก๏ธBumili ka ng softdrinks o matatamis na inumin? May excise tax sa sweetened beverages.
Pati sa isang bote ng cola, may dagdag kita ang gobyerno.
---
At sa kabila ng lahat ng ito, taon-taon may budget deficit pa rin ang gobyerno. May utang ang bayan pero may confidential funds ang mga opisina. May tax sa bawat paghinga pero wala pa ring matinong ospital sa malalayong probinsya. May tax sa mamamayan pero hindi sa mga milyonaryong may abogado at tax shield.
At ito ang masakit: may halos โฑ1.9 trilyon nang inilaan sa flood control mula 2011 hanggang 2025, pero taon-taon lumulubog pa rin ang mga lungsod. Ghost projects sa kalsada, ghost d**e na walang tubig na pinigil, ghost drainage na parang multo lang sa papelโlahat โyan ginastusan mula sa buwis mo.
Kaya ako noon, si Heidi Mendoza ang sinuportahan ko. Kasi tax ng ina mo, babantayan niya.
Pero kayo? Sino mga binoto niyo? Yung may PhD sa pagsunog ng budget? Yung mga oligarchs na may dynasties mula Malacaรฑang o Kongreso hanggang barangay na parang 2-in-1 na parusa sa masa?
Bansa ba โto o subscription service?
Bawat bayad mo, parang walang customer support.
At ang pinaka-ironic sa lahat, ang korapsyon, hindi kailanman taxable pero palaging profitable.
Dito sa Pilipinas, hindi ka lang taxpayer. Isa kang full-time donor sa gobyernong may senior citizen ID sa accountability.
Anak ng putax naman o!