30/01/2025
PROTIPS - January 30, 2025
Running On Low Batt?
By Maloi Malibiran-Salumbides
Umaabot ba sa p**a ang gas guage ng kotse mo bago ka magpagasolina? Ganito rin ba ang cellphone at computer mo, nagbelow-10 percent na ang battery bago mo i-charge muli? You don't have to wait for yourself to run on empty bago mo alagaan ang iyong sarili. Are you running on low batt? Today's daily dose of inspiration is for you.
Magandang araw, ako si Maloi Malibiran-Salumbides, partner mo sa inspiradong buhay at trabaho.
Sa 3 years na public ministry ni Jesus, hindi siya naburn-out kahit na ang dami niyang ginawa, matindi ang opposition na kanyang hinarap at may personal betrayal pa siyang naranasan. Ano ang sikreto niya? Why did he not run on low batt like what most of us are probably feeling after going through a pandemic for more than a year now?
There are 5 things that I observed about Jesus' self-care regimen.
1) He prayed regularly. Sa Mark 1:35 ganito ang ating mababasa, "Before daybreak the next morning, Jesus got up and went out to an isolated place to pray." Jesus spent time in prayer regularly. Makikita natin ito, all throughout his ministry. His daily communication with his Heavenly Father recharged him for his daily mission. Bago ka sumabak sa maraming gawain, bago ka maoverwhelm sa mga trabaho na iyong haharapin, spend time with God to be recharged and strengthened. Make it your daily habit to pray.
2) He practiced solitude. Maraming beses din nating makikita sa Gospels na may mga panahon na pumupunta si Jesus sa di matataong lugar para mapag-isa. In Matthew 14:13 we read that, “When Jesus heard [that John the Baptist had been beheaded], he withdrew by boat privately to a solitary place.” Araw-araw, marami ang aagaw sa ating oras at atensyon na hindi na natin nabibigyan ng panahon ang sarili natin para mag-isip, kamustahin ang sarili natin at magreflect. Jesus practiced solitude. He knew when to withdraw from the multitude. Sa palagay ko, isa ito sa mga dahilan kung bakit mayroon siyang steadiness at focus.
3) He knew how to rest. Nakakatuwang isipan na sa pamamagitan ng kanyang halimbawa, ipinakita sa atin ni Jesus na hindi bawal magpahinga. This is what we read in Matthew 8, "Then he got into the boat and his disciples followed him. Suddenly a furious storm came up on the lake, so that the waves swept over the boat. But Jesus was sleeping." Nagpopower nap si Jesus sa gitna ng bagyo. No wonder, hindi siya nagpanic sa gitna ng malalaking alon, di tulad ng mga kasama niya. Ang pahingadong utak at katawan ay kalmado. Ayaw mong maburn-out, magpahinga ka.
4) He expressed his emotions. Siguro naiimagine mo na si Jesus ay palaging malumanay, hindi nagagalit, hindi nalulungkot. Read the Gospels and you will find out how that that is not the case. Jesus expressed different emotions. When his friend died, "Jesus wept" (John 11:35). Nung nakita niya ang abuses at corruption sa temple, nagalit siya. In Matthew 21:12, we read "And Jesus entered the temple and drove out all who sold and bought in the temple, and he overturned the tables of the money-changers and the seats of those who sold pigeons." Ipinakita ni Jesus na bahagi ng malusog na pagkatao ay ang pagkilala at paghahayag ng ating emosyon. If you don't want to be drained, find healthy ways to express your emotions.
5) He had a support group. Bahagi ng self-care ay ang pagkakaroon ng support group. Jesus had his 12 disciples. At mula sa labing dalawa, meron pa siyang inner circle, sina Peter, James at John. This was Jesus' closest relationships when he was here on earth. Ipinapakita nito na ang design talaga sa atin ng Diyos ay lumago at magthrive in the context of community. We need to be connected to God and to one another so that we won't run on empty.
Self-care is a term that we often hear nowadays. Pero panahon pa ni Jesus, makikita na natin na mayroon siyang healthy practices na nakatulong upang mapanatili siyang focused sa kanyang misyon, well-charged sa araw-araw at hindi na burn-out sa kanyang ministry. Are you running on low batt? Learn from the example of Jesus on power on with his help.