Diary of Malvar

Diary of Malvar “Every place has a story, every journey becomes a memory — explore the beauty of Malvar.”

📖Chapter 6: Bringing Memories HomeEntry 14 — A Taste to Remember“As our journey comes to an end, we bring home small tre...
31/03/2026

📖Chapter 6: Bringing Memories Home

Entry 14 — A Taste to Remember

“As our journey comes to an end, we bring home small treasures and flavors that remind us of the stories we discovered in Malvar.”

Craving something sweet? 🍰✨
Tikman ang Babes Special Pies—freshly baked, perfectly golden, at punong-puno ng sarap sa bawat kagat! 🥧💛

Mapa-merienda, dessert, o simpleng pampasaya ng araw, swak na swak ito!

At kung naghahanap ka ng pasalubong, ito na ‘yon—siguradong mapapangiti ang pamilya at barkada mo. 😋🎁

Isang tikim pa lang, babalik-balikan mo na! Take home a slice of happiness today! 💫

📍Babes Special Pies and Pasalubong
Luta Norte,Malvar Batangas

Diary of Malvar – Stories of Malvareño 📖✨








✍️ Inilathala ni: Alexandra Mae L. Arcillas

29/03/2026

📖Chapter 4: Nature and Hidden Treasures

Entry 12 — A Hidden Escape in the Town

Lowkey paradise???
presko hangin + chill vibes + walang stress = reset malala

Tahimik, presko ang hangin, at parang huminto sandali ang mundo habang pinapakinggan ko ang tunog ng tubig at tawanan ng mga taong nag-eenjoy. Dito, hindi mo kailangang magmadali… pwede kang huminga, mag-relax, at maging masaya.

Kung naghahanap ka ng lugar na pwede mong takasan kahit saglit ang stress, baka ito na ‘yun.
Minsan, ang pahinga, hindi hinahanap… kusang nadadating. 💚

📍Ka - Nestor Little Paradise Resort
Poblacion, Malvar, Batangas

Diary of Malvar – Stories of Malvareño 📖✨








✍️ Inilathala ni: John Josue Robles

DISCLAIMER: No copyright infringement intended in the music of this video. All rights belong to their rightful owners.

26/03/2026

📖 Chapter 3: Slow Moments and Cafe Stories

Entry 009 : Another Cafe Story

Sa Bella Café, ramdam mo agad ang cozy at relaxing na vibe na para bang niyayakap ka ng lugar. Perfect ito para sa kahit anong mood—magpahinga, magkuwentuhan, o simpleng mag-enjoy ng masarap na kape.

Tahimik, maayos, at may ambiance na nakaka-engganyong manatili—parang bawat sulok nito ay ginawa para sa mga gustong mag-focus o mag-recharge.

Kung naghahanap ka ng lugar na magbibigay inspirasyon habang nag-aaral o nagre-review, ang Bella Café ang ultimate spot.

📍 Bella Café
Santiago Malvar, Batangas

Diary of Malvar – Stories of Malvareño 📖✨








✍️ Inilathala ni: Suzhane Sumadsad

24/03/2026

📖Chapter 2: Community, Culture & Faith

Entry 007: Where Young Dreams Begins✨

Sa bawat bayan, may lugar na hindi lang dinadaanan kundi pinapangarap. Isang lugar kung saan bawat hakbang ay may direksyon at bawat araw ay may bagong simula.

Hindi lang kaalaman ang natututunan dito kundi ang tapang na mangarap at ang lakas na tuparin ito.

Dito hinuhubog ang mga pangarap na hindi lang para sa sarili, kundi para sa mas malawak na mundo.

Dahil sa Malvar, may mga pinagmumulan at nabubuo na pangarap.

📍Batangas State University- JPLPC Malvar
Poblacion Malvar, Batangas

Diary of Malvar – Stories of Malvareño 📖✨








✍️ Inilathala ni: Rain Bonete

📖 Chapter 2: Community, Culture, & FaithEntry 006: Faith and DevotionSa bawat pagdarasal at pagdiriwang ng pananampalata...
23/03/2026

📖 Chapter 2: Community, Culture, & Faith

Entry 006: Faith and Devotion

Sa bawat pagdarasal at pagdiriwang ng pananampalataya, mas napagtitibay ang ugnayan ng komunidad. Dito nagkakatagpo ang mga puso sa katahimikan, pag-asa, at pananalig.

Ang Immaculate Conception Parish Church ay higit pa sa isang simbahan. Isa itong mahalagang bahagi ng buhay ng mga Malvareño kung saan ginaganap ang mga misa, binyag, kasal, at iba pang gawaing espiritwal. Sa bawat pagpasok, mararamdaman ang tahimik na kapaligiran na nagbibigay-daan sa pagninilay at pasasalamat.

Hindi lamang ito lugar ng pagsamba, kundi isang tahanan ng pananampalataya kung saan nagkakaisa ang komunidad. Dito nagtitipon ang mga pamilya at magkakaibigan upang magpasalamat, humingi ng gabay, at palalimin ang kanilang relasyon sa Diyos.
Sa kabuuan, ang simbahan ay sumasalamin sa matibay na paniniwala at pagkakaisa ng mga Malvareño. Payak ngunit makahulugan, puno ng debosyon at pag-asa.

📍 Immaculate Conception Parish Church
Diary of Malvar – Stories of Malvareño 📖✨








✍️ Inilathala ni: Anne Clarence Delovino

Address

Malvar
4233

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Diary of Malvar posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share