10/05/2026
๐๐๐๐๐๐ช๐๐ก๐ ๐๐๐ก๐๐๐ข ๐ก๐ ๐ ๐๐ฌ๐ข: Kapistahan ng Mahal na Ina ng mga Walang Mag-Ampon ng Marikina. Ang Unang kinoronahan sa panahon ni +Papa Benito XVI taong 2005.
๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐-๐๐๐๐๐
๐จ๐๐ ๐ฉ๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐ด๐๐๐๐๐๐๐
๐ด๐ฃ๐ ๐๐๐๐๐, ikaw ang mapagmahal na inang kumakalinga sa aming lahat.
Ikaw ang mahabaging ๐๐ก๐ na kumukupkop sa mga walang masilungan. Kami ay lumalapit sa iyo, bukod na pinagpalang Ina ng Panginoon.
Ikaw ang aming ๐ฅ๐๐ฌ๐ก๐; pamunuan mo kami sa paglaban sa kasamaan.
Ikaw ang aming ๐๐จ๐ฅ๐ข; papaglinawin mo ang aming isip sa panahong kapos kami sa pang-unawa.
Ikaw ang aming ๐๐๐๐ช; tanglawan mo kami nang โdi kami maligaw sa dilim.
Ikaw ang aming ๐๐จ๐ก๐๐ฆ; hilumin mo ang sakit ngaming mga kaluluwa at katawan.
Aming ina, ipagtanggol mo kami sa aming pagkaapi. Aliwin mo kami sa aming pagkaalipin sa aming mga kahinaan. Inang mapagkawanggawa, ilahad mo ang iyong mga kamay sa mga kapus-palad na nangangailangan ng iyong tulong. Ina ng sangkatauhan, ipanalangin mo kami at akayin sa landas patungo kay Hesukristong Panginoon namin. Amen.
๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐-๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐
๐ด๐ฃ๐ ๐๐๐๐๐, Ina ng Diyos at aming ina, ilingon mo sa amin ang mga mata mong maawain, sa aming mga abang makasalanan; kami ay labis na nagdurusa sa maraming kasamaan na nakapaligid sa amin sa buhay na ito, ang aming mga puso ay lalo't higit na nadudurog na masaksihan ang mga kalapastanganan at marinig ang mga insulto laban sa iyo, O maluwalhating Birhen. Batid namin na ang mga gawaing ito ay pangdudusta sa walang hanggang kamahalan ng Diyos at ng kanyang Bugtong na Anak, si Hesukristo. Buong puso naming iniaalay ang aming buhay at buong kagalakan ka naming pararangalan, O Mahal na Ina, sapagkat ito ay kalooban ng Diyos. At dahil sa aming matimyas na pagmamahal sa iyo, gagawin namin ang lahat ng aming makakaya upang ikaw ay maparangalan at mahalin ng lahat ng tao. Hindi man sapat, tanggapin mo nawa itong aming pagbabayad-puri, O Birheng Mapang-aliw sa mga Nagdadalamhati, na aming iniaalay para sa aming mga pamilya at gayundin para sa mga lumalapastangan sa iyo nang walang kabuluhan na hindi nalalaman kung ano ang kanilang mga ginagawa at sinasabi. Kamtin mo para sa kanila mula sa Makapangyarihang Diyos ang biyaya ng pagsisisi. Ipadama mo sa kanila ang iyong habag, ang iyong lakas, at ang iyong awa. Nawa'y maging kaisa namin sila sa pagpapahayag sa iyong katamistamisang ngalan, ikaw na pinagpala sa babaeng lahat, ang Birheng Kalinislinisan at lubhang mapag-ampong Ina ng Diyos. Amen.
Mula sa Pahina ng Nuestra Seรฑora de los Desamparados de Manila kabahagi ng Pambansang Dambana, at pagkilala sa tunay at orihinal na Patrona ng Bayan. Lubos na pagbati ng Maligayang Kapistahan sa Bayan ng Diyos ng Marikina at mga deboto ng Mahal na Ina ng mga Walang Mag-Ampon.
๐ฉ๐ถ๐๐ฎ ๐น๐ฎ ๐ฉ๐ถ๐ฟ๐ด๐ฒ๐ป!