25/06/2024
𝐃𝐀𝐈𝐋𝐘 𝐑𝐄𝐀𝐃𝐈𝐍𝐆𝐒 | 𝟐𝟓 𝐉𝐔𝐍𝐄 𝟐𝟎𝟐𝟒
𝐓𝐮𝐞𝐬𝐝𝐚𝐲 𝐨𝐟 𝐭𝐡𝐞 𝐓𝐰𝐞𝐥𝐟𝐭𝐡 𝐖𝐞𝐞𝐤 𝐢𝐧 𝐎𝐫𝐝𝐢𝐧𝐚𝐫𝐲 𝐓𝐢𝐦𝐞 (𝐆𝐫𝐞𝐞𝐧)
𝐔𝐍𝐀𝐍𝐆 𝐏𝐀𝐆𝐁𝐀𝐒𝐀
2 Hari 19, 9b-11. 14-21. 31-35a. 36
Pagbasa mula sa ikalawang aklat ng mga Hari
Noong mga araw na iyon, nagsugo si Haring Senaquerib ng Asiria kay Ezequias at ipinasabi ang ganito: “Huwag mo nang dayain ang iyong sarili na ang Jerusalem ay maliligtas ng pananalig mo sa iyong Diyos. Hindi lingid sa iyo kung paano nilupig ng mga hari ng Asiria ang ibang lupain. Hindi ka rin makaliligtas sa akin.”
Binasa ni Ezequias ang sulat na ibinigay sa kanya ng mga sugo ni Senaquerib. Pagkatapos, puma*ok siya sa Templo, inilatag sa kanyang harapan ang sulat, at nanalangin ng ganito: “Panginoon, Diyos ng Israel na nakaluklok sa trono sa itaas ng kerubin. Kayo lamang ang Diyos ng lahat ng kaharian sa ibabaw ng lupa. Kayo ang lumikha ng langit at ng lupa. Dinggin ninyo ako, Panginoon. Narinig ninyo ang pag-alipusta ni Senaquerib. Totoo nga, Panginoon, na marami nang nalupig na bansa ang mga hari ng Asiria. Nagawa nilang sunugin ang mga diyos ng mga bansang yaon sapagkat hindi naman talagang Diyos ang mga iyon kundi mga kahoy at batong ginawang diyus-diyusan. Kaya nga, Panginoon, iligtas ninyo kami kay Senaquerib para malaman ng buong daigdig na kayo lamang ang tangi at iisang Diyos.”
Si Isaias ay nagpasugo kay Ezequias at ipinasabi ang ganito: “Ipinasasabi ng Panginoon, ng Diyos ng Israel, na narinig niya ang panalangin mo. Ito naman ang kanyang sinabi tungkol kay Senaquerib:
“Itinatakwil ka, laging hinahamak
ng anak ng Sion, dalagang marilag.
Sa iyong likuran ay iiling-iling
anak na babae nitong Jerusalem.
May natirang magmumula sa Jerusalem, gayun din sa Sion. Ito’y mangyayari dahil sa pagmamalasakit ng Panginoon.”
Ito naman ang sinasabi ng Panginoon tungkol sa hari ng Asiria: “Hindi siya makapapa*ok sa lungsod na ito ni makatutudla kahit isang pala*o. Hindi niya ito lulusubin ni papaligiran. Kung paano siya dumating, ganoon din siya aalis. Hindi niya masasakop ang lungsod na ito, pagkat ito’y ipagtatanggol ko alang-alang sa aking kapakanan at alang-alang kay David na aking lingkod.”
Nang gabing yaon, pina*ok ng anghel ng Panginoon ang kampo ng mga taga-Asiria at napatay niya ang sandaa’t dalawampu’t limang libong kawal. Kaya nagmamadaling umuwi sa Ninive si Haring Senaquerib.
Ang Salita ng Diyos.
𝐒𝐀𝐋𝐌𝐎𝐍𝐆 𝐓𝐔𝐆𝐔𝐍𝐀𝐍
Salmo 47, 2-3a. 3b-4. 10-11
𝑳𝒖𝒏𝒈𝒔𝒐𝒅 𝒏𝒈 𝑫’𝒚𝒐𝒔 𝒂𝒚 𝒎𝒂𝒕𝒂𝒕𝒂𝒈
𝒅𝒂𝒉𝒊𝒍 𝒔𝒂 𝒃𝒊𝒈𝒂𝒚 𝒏’𝒚𝒂𝒏𝒈 𝒍𝒂𝒌𝒂𝒔.
Dakila ang P**n, dapat papurihan,
sa lungsod ng Diyos, bundok niyang banal.
Ang Bundok ng Sion, tahanan ng Diyos
ay dakong mataas na nakalulugod.
𝑳𝒖𝒏𝒈𝒔𝒐𝒅 𝒏𝒈 𝑫’𝒚𝒐𝒔 𝒂𝒚 𝒎𝒂𝒕𝒂𝒕𝒂𝒈
𝒅𝒂𝒉𝒊𝒍 𝒔𝒂 𝒃𝒊𝒈𝒂𝒚 𝒏’𝒚𝒂𝒏𝒈 𝒍𝒂𝒌𝒂𝒔.
Bundok sa hilaga na galak ang dulot,
sa lahat ng bansa nitong sansinukob.
Sa piling ng Diyos ligtas ang sinuman,
sa loob ng muog ng banal na bayan.
𝑳𝒖𝒏𝒈𝒔𝒐𝒅 𝒏𝒈 𝑫’𝒚𝒐𝒔 𝒂𝒚 𝒎𝒂𝒕𝒂𝒕𝒂𝒈
𝒅𝒂𝒉𝒊𝒍 𝒔𝒂 𝒃𝒊𝒈𝒂𝒚 𝒏’𝒚𝒂𝒏𝒈 𝒍𝒂𝒌𝒂𝒔.
Sa banal na lungsod ay aming namasid
ang kanyang ginawa na aming narinig;
Ang Panginoong D’yos, Makapangyarihan,
siyang mag-iingat sa lungsod na banal,
iingatan niya magpakailanman.
𝑳𝒖𝒏𝒈𝒔𝒐𝒅 𝒏𝒈 𝑫’𝒚𝒐𝒔 𝒂𝒚 𝒎𝒂𝒕𝒂𝒕𝒂𝒈
𝒅𝒂𝒉𝒊𝒍 𝒔𝒂 𝒃𝒊𝒈𝒂𝒚 𝒏’𝒚𝒂𝒏𝒈 𝒍𝒂𝒌𝒂𝒔.
Sa loob ng iyong templo, O Diyos,
aming nagunita pag-ibig mong lubos.
Ika’y pinupuri ng lahat saanman,
sa buong daigdig ang dakila’y ikaw,
at kung mamahala ay makatarungan.
𝑳𝒖𝒏𝒈𝒔𝒐𝒅 𝒏𝒈 𝑫’𝒚𝒐𝒔 𝒂𝒚 𝒎𝒂𝒕𝒂𝒕𝒂𝒈
𝒅𝒂𝒉𝒊𝒍 𝒔𝒂 𝒃𝒊𝒈𝒂𝒚 𝒏’𝒚𝒂𝒏𝒈 𝒍𝒂𝒌𝒂𝒔.
𝐀𝐋𝐄𝐋𝐔𝐘𝐀
Juan 8, 12
Aleluya! Aleluya!
Sinabi ni Hesukristo:
“Ako ang ilaw ng mundo
at buhay ng alagad ko.”
Aleluya! Aleluya!
𝐌𝐀𝐁𝐔𝐓𝐈𝐍𝐆 𝐁𝐀𝐋𝐈𝐓𝐀
Mateo 7, 6. 12-14
Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Mateo
Noong panahong iyon, sinabi ni Hesus sa kanyang mga alagad, “Huwag ninyong ibigay sa a*o ang bagay na banal, sapagkat kayo’y babalingan at lalapain nila pagkatapos. Huwag ninyong ihagis sa baboy ang inyong mga perlas sapagkat yuyurakan lamang nila ang mga iyon.
“Kaya gawin ninyo sa inyong kapwa ang ibig ninyong gawin nila sa inyo. Ito ang kahulugan ng Kautusan ni Moises at ng turo ng mga propeta.
“Puma*ok kayo sa makipot na pintuan; sapagkat maluwag ang pintuan at malapad ang daang patungo sa kapahamakan, at ito ang dinaraan ng marami. Ngunit makipot ang pintuan at makitid ang daang patungo sa buhay, at kakaunti lang ang nakasusumpong niyon.”
Ang Mabuting Balita ng Panginoon.abuting Balita ng Panginoon.