29/06/2026
The Orion Municipal Tourism Office, together with Biyaheng Pamana, a group of travelers na layuning tuklasin at pahalagahan ang tradisyon, kultura, kasaysayan, at local small businesses ng iba't ibang bayan ay nagkaroon ng makabuluhang heritage tour sa ating mahal na bayan ng Orion.
Sa bawat destinasyong aming binisita, pinakinggan at pinahalagahan namin ang mga kwento ng ating mayamang kasaysayan at mga ipinagmamalaking pamana ng bayan.
Kasama sa aming itinerary ang St. Michael the Archangel Parish Church, na sumisimbolo sa matatag na pananampalataya at tradisyon ng mga tiga- Orion at tinuring na pang- apat sa pinakamatatandang simbahan sa lalawigan ng Bataan. Binisita rin namin ang pinakaunang drugstore sa Orion, ang Monumento ng Sundalong Hindi Kilala, Hardin ni Balagtas, Aklatan ni Balagtas, at nagtapos ang aming tour sa Bakeology, isang proud local small business na kilala sa kanilang masarap at sikat na toasted pastillas atbp.
Isang paglalakbay na hindi lang tungkol sa pagbisita sa mga lugar, kundi sa pagpapahalaga sa ating kasaysayan, kultura, at mga lokal na negosyong nagbibigay-buhay sa ating komunidad.
Isang taos-pusong pasasalamat sa pamamagitan ni Dr. Gannie De Leon kina Prof. Jose Benigno Salvador at Ginoong Johnson Bernardo sa pangunguna ng Biyaheng Pamana Heritage Tour at sa pagpili sa Bayan ng Orion bilang isa sa inyong mga destinasyon.
Maraming salamat po sa inyong pagbisita at sa patuloy na pagsusulong ng pagpapahalaga sa ating kasaysayan, kultura, at pamana. Nawa'y naging makabuluhan at kasiya-siya ang inyong paglalakbay sa aming bayan.
Bukas po ang Orion sa Pangnguna ng ating butihing Mayor Antonio L. Raymundo Jr. at Mayora Lilia L. Raymundo sa inyong muling pagbisita. Hanggang sa susunod na Biyaheng Pamana!
Sulong, Udyong! ๐