24/03/2026
Ang Pamahalaang Lokal ng Tiaong sa pangunguna ni Mayor Vincent RJ Mea at ng Sangguniang Bayan ay buong pusong bumabati at nagbibigay-pugay kay Jaymark Aguilo mula sa Brgy. Talisay sa matagumpay niyang pagtatapos sa Regional Tour Guiding Course 2026 na programa ng Department of Tourism Region IV-A.
Matapos ang masinsinang 30-araw na pagsasanay, kabilang si Jaymark sa mga nagsipagtapos at pinarangalan sa ginanap na graduation ceremony noong March 12, 2026. Ang tagumpay na ito ay isang mahalagang hakbang tungo sa pagiging bahagi ng bagong henerasyon ng mga accredited Regional Tour Guides ng Region 4A CALABARZON.
Isang inspirasyon ang iyong dedikasyon at malasakit sa pagsusulong ng turismo at sa pagpapalaganap ng mayamang kultura at pamana ng ating bayan.