17/08/2026
17 DAYS AGO…
I said yes to a challenge. 👀
Hello everyone! Myra here! :)
Isang OFW na currently nagtatrabaho bilang Assistant Accountant. Habang nagtatrabaho ako dito sa ibang bansa, unti-unti rin akong nag-eexplore ng digital products at online business.
Goal ko? Makabuo ng sarili kong digital product business at subukang maabot ang 100K within 100 days.
Currently, ginagawa ko yung mga daily missions na kailangan naming matapos at i-submit, habang patuloy na natututo at nag-i-improve along the way.
Gusto kong makabuo ng sarili kong income stream at eventually, magkaroon ng financial freedom.
Along this journey sa 100K in 100 Days Challenge, ayoko maging promising. Gusto ko lang maging honest sa kung ano yung mga pagdadaanan ko—yung mga missions, learnings, small wins, at kahit yung mga struggles along the way.
Gusto kong ipakita na hindi naman laging madali ang pagsisimula. Pero kapag nagpatuloy ka, natuto ka, at hindi ka sumuko, eventually makikita mo rin na hard work really pays off.
Abangan natin kung ano ang mangyayari sa Day 100. 😉