05/11/2023
🔴Banaue-Buscalan-Baguio tour itinerary🔴
October 27,2023
7:15pm departure from Manila (pick up Shaw, Mandaluyong)
October 28,2023
7:03am arrival at Banaue
🍽️Quick stop over to buy pasalubong and eat breakfast
Breakfast for 2 pax cost ₱550.00
*sinigang
*inihaw na liempo
*nilagang baka
October 28,2023
11:59am arrival at Buscalan
✍️fill out lang ng tourist form then ready na for the hike
*you have to pay for ₱100.00 upon arrival (forgot what this is for). Samin kasama na siya sa tour package
*if you don't want to carry your bags, they have a tram line, ₱50.00 per bag
✅Things to bring
*Water (madaming water haha)
*small towel kasi pagpapawisan ka talaga
*wipes/tissue
*Katinko/Vics/white flower (anything na you can smell pag nahilo ka na sa hike hahaha)
✅What to wear
*comfortable clothes (leggings, shorts, dri-fit/cotton shirts or top)
*no to jeans and slippers
*no to jackets or thick clothes
*avoid wearing black kasi baka mag pass out ka sa init
😓 Mahirap ba ang hike to tattoo village?
-YES!!! Mahirap talaga hahaha, lalo na pag hindi ka fit.
May hagdan naman siya pero pag namali ka ng step, sa bangin ka pupulutin. Steep din ang stairs kaya ilang steps palang nakakapagod na pero worth it naman.
📌Basta pwedeng magpahinga, wag pilitin if pagod na kasi baka mahilo ka lang. nagsusuka kami ng kasama ko sa pagod. Ganon kami ka unhealthy🤣
October 28,2023
Around 1:15pm-1:30pm kami dumating sa homestay
🚻yung restrooms sa village, common restrooms siya so minsan pag nagkasabay sabay, mahaba ang pila at mahina ang tubig. We stayed at Stella's homestay. Maganda and malinis ang place pero wala siyang sariling cr, meron lang shower room.
✅bring your own towel, walang towel sa homestay
💉Upon arrival meron ng nag offer samin ng Thorns to use as needle for tattoo
₱150.00 per thorn
☕️may unli coffee na din pag dating namin sa homestay
✅pwede ka ng mag patattoo pag dating na pagdating mo palang kasi madami ng mambabatok sa village.
Yung session lang kay Apo ang need mo talaga i-Schedule
🍲Lunch at 4:00pm
Since nalate na kaming dumating sa Buscalan, late na din lunch namin
🌊na pressure akong mag patattoo kasi lahat ng kasama ko nakapag pa tattoo na and sayang nga naman ng pagod if di pa susulitin.
For wave design, i paid ₱600.00
🤕masakit ba ang traditional tattoo???
-for me hindi naman, literal na parang kagat lang ng langgam.
-masakit siya after a few hours and kinaumagan kasi namamaga na😂
🍲Dinner at 8:00pm
Wala na kaming prinoblema, kasama na ang 3 meals sa tour package (lunch, dinner and breakfast), kakain ka nalang
😴Bed time at 10:00pm
Pero yung ibang kasama namin nag chismisan pa sila, sa sobrang pagod sa byahe and trek wala na kaming energy makipag socialize.
❤️October 29, 2023 6:30AM
-pinapunta na kami sa place kung saan nag tattoo si Apo, yung group namin ang unang nakasched sa kanya.
Pati to inarrange na ng tour coordinator namin
✅You can bring gifts to Apo, kahit ano pero di naman siya required
✅late ko na nalaman pero gusto pala niya ang merch na may mukha ni Coco Martin haha
✅bring your own wipes
💉tattoo session with Apo Whang-Od only lasted for 3 minutes.
Fee is ₱300.00
-mas masakit siya mag tattoo compared sa iba, talagang bumabaon ang Thorn haha pero tolerable naman.
-mas matagal din mag heal ang tattoo niya
🌾After tattoo session, pinabalik na kami sa homestay at nagtour pa kami sa ricefields, wala naman masyadong makikita, tamang nature trip lang but you get to meet the other villagers and kids on the way
✅if may extra funds for candies, dala kayo candies and chocolates para sa mga bata
🥞Breakfast at 8:30 am
After breakfast prep na para umuwi.
Mabilis lang ang stay sa Buscalan pero if we have more time, mas ok sana mag stay ng couple more days para sulit naman ang byahe.
✅no reception sa village pero may wifi naman, ₱50.00 per hour and mabilis naman ang connection
October 29,2023 10:00am
⛰️start na ng trek pababa, only took us 30min
-pag pababa madali nalang, wala ng masyadong pahinga😄
October 29,2023 11:00am
🚐departure from Buscalan to Baguio
October 29,2023
Around 2:00pm
🥙stopever for lunch
5:00pm
🛑stopover at Atok Benguet Highest Point
7:00pm
🍓arrival at Strawberry farm La Trinidad
🍲Dito na din kami nag dinner
₱250.00 for 2 pax
8:00pm
🏞️arrival at Burnham Park
-binigyan kami ng 1hr na maglibot at mamasyal
9:10pm
🚐departure from Baguio to Manila
We arrived in Makati at 2:00am October 30,2023
TOTAL EXPENSES:
₱3800.00 for the 2D1N Buscalan tour
(I spent more or less ₱10k inclusive of pocket money)
We booked with Vanlakwatsero pero Jo and the Walker talaga ang nag arrange ng tour namin and nag coordinate. Parang middle man lang si Vanlakwatsero.
I also don't recommend booking with them kasi antagal nila magsend ng update. Last minute na. Book nalang kayo directly sa Jo and the Walker or ibang travel agency na direct nag aarange ng tour.
✅videos will be posted in the comment section