22/05/2026
My son is already 4, and madalas tinatanong kung susundan na ba.
Honestly, sa isa pa lang, alam naming hindi pa madali. Sa taas ng bilihin ngayon, hindi biro ang magpalaki ng anak, kaya gusto muna naming maging stable bago magmadali.
Ayaw namin ng “makakaraos lang.” Gusto namin maibigay yung best—yung sapat, maayos, at higit pa sa bare minimum.
We want to spoil him—not just with love, but also with experiences and things I didn’t have growing up. Yung makasama sa school events, mabili ang gusto niya, at makapagbaon nang may confidence.
Dahan-dahan lang. Gusto naming putulin ang generational struggles, at hindi ipasa ang bigat ng hindi pa kayang responsibilidad sa mga anak. Yes, mahalaga ang utang na loob, pero kung minamahal mo ng sapat ang anak mo, kusa itong babalik. What goes around, comes around.
Yes, we trust God to provide—but we also know it comes with preparation, effort, and timing.
Maybe someday… but not now. 🤍