23/08/2026
๐๐ฎ๐๐ฏ๐ ๐๐๐ข๐ฃ๐ ๐๐ฌ๐ฌ๐จ๐๐ข๐๐ญ๐ข๐จ๐ง ๐จ๐ ๐๐จ๐ฎ๐ซ๐ข๐ฌ๐ฆ ๐๐๐๐ข๐๐๐ซ๐ฌ (๐๐๐๐๐) ๐๐ซ๐ ๐๐ฎ๐๐ซ๐ญ๐๐ซ๐ฅ๐ฒ ๐๐๐๐ญ๐ข๐ง๐
Matagumpay na isinagawa ngayong ika-20 ng Agosto 2026 ang NEATO (Nueva Ecija Association of Tourism Officers) 3rd Quarterly Meeting, kung saan ang ating minamahal na Bayan ng Rizal ang naging tagapagdaos ng pagpupulong.
Kasama ang buong hanay ng Tourism Officers ng bawat bayan ng Nueva Ecija, sa pangunguna nina Ms. Jan Mara Stepan C. San Pedro (Provincial Tourism Officer) at Mr. Darmo Escuadro (NEATO President), tinalakay ang mahahalagang usapin para sa patuloy na pagsusulong at pagpapaunlad ng turismo sa ating lalawigan.
Isinagawa rin ang Familiarization Tour sa mga piling tourism sites at establishments sa ating bayan, tulad ng Dento Farm Resort, IT Farm Resort, at sa The Promise Land Canaan West, bilang bahagi ng layuning higit pang maipakilala at mapalawak ang potensiyal ng turismo ng bayang Rizal.
Isang karangalan po para sa aming bayan na maging host para sa meeting na ito sa pangunguna ng ating mahal na Punong Bayan Mayor Trina Andres, Vice Mayor Lito Andres, OIC-Tourism Officer Mr. Rommel Bilog, Nawa'y nasaksihan po ninyo ang Puso at Galing na aming ginugugol sa pagpapalakas pa ng turismo ng aming bayan.