Inside Nueva Ecija

Website

Inside Nueva Ecija Contact information, map and directions, contact form, opening hours, services, ratings, photos, videos and announcements from Inside Nueva Ecija, Cabanatuan City.

🎾🌾 ALEX EALA, MAY MARKA NA RIN SA RICE FIELDS NG NUEVA ECIJA!From tennis courts to rice fields! πŸ‡΅πŸ‡­βœ¨ Ipinagdiwang ng Phil...
17/09/2026

🎾🌾 ALEX EALA, MAY MARKA NA RIN SA RICE FIELDS NG NUEVA ECIJA!

From tennis courts to rice fields! πŸ‡΅πŸ‡­βœ¨
Ipinagdiwang ng Philippine Rice Research Institute (PhilRice) sa Science City of Muñoz, Nueva Ecija ang recent achievements ng Filipina tennis ace na si Alex Eala sa pamamagitan ng isang giant rice-paddy artwork. 🌾🎾

Hindi na bago sa PhilRice ang ganitong tribute nauna na ring tampok sa kanilang rice-paddy art sina boxing legend Manny Pacquiao at Olympic gold medalist Hidilyn Diaz. πŸ₯ŠπŸ…

Samantala, muling maglalaro para sa Pilipinas si Eala sa tennis event ng 2026 Asian Games. πŸ‡΅πŸ‡­
Nueva Ecija, where champions grow! 🌾🎾

πŸ“Έ Courtesy: Department of Agriculture – PhilRice

FORMER PRESIDENT RODRIGO DUTERTE, MULING NAKITA SA PUBLIKOMatapos ang mahigit isang taon, muling nasilayan sa publiko si...
16/09/2026

FORMER PRESIDENT RODRIGO DUTERTE, MULING NAKITA SA PUBLIKO

Matapos ang mahigit isang taon, muling nasilayan sa publiko si dating Pangulong Rodrigo Duterte.

Nakuhanan si Duterte sa The Hague, Netherlands habang dumadalo sa pagdinig ng International Criminal Court (ICC) ngayong September 16, 2026, kung saan tinatalakay ang mga argumento tungkol sa kanyang health condition at kakayahang humarap sa paglilitis.

Si Duterte ay nahaharap sa mga kasong may kaugnayan sa mga alegasyon ng pagpatay na konektado sa kanyang war on drugs.

πŸ“Έ Courtesy: Piroschka van de Wouw/Pool/Reuters

80s muna tayo! πŸ“Έβœ¨Sinubukan naming bigyan ng 80s throwback vibes ang larawan nina Governor Oyie Umali at Former Governor ...
11/09/2026

80s muna tayo! πŸ“Έβœ¨

Sinubukan naming bigyan ng 80s throwback vibes ang larawan nina Governor Oyie Umali at Former Governor Cherry Umali. πŸ•ΆοΈπŸ“Όβœ¨
Kahit anong panahon, bagay pa rin ang kanilang classic smiles at timeless charm! πŸ’™

Kung 80s muna tayo, game ba kayo? 😍

πŸššπŸ’Š MEDS FOR U ON WHEELS: BAGONG SERBISYONG PANGKALUSUGAN, AARANGKADA NA!Mas ilalapit pa sa mga Novo Ecijano ang serbisyo...
07/09/2026

πŸššπŸ’Š MEDS FOR U ON WHEELS: BAGONG SERBISYONG PANGKALUSUGAN, AARANGKADA NA!

Mas ilalapit pa sa mga Novo Ecijano ang serbisyong pangkalusugan sa pamamagitan ng bagong programang β€œMeds For U On Wheels” ng Pamahalaang Panlalawigan ng Nueva Ecija.

Sa pangunguna ni Governor Aurelio β€œOyie” M. Umali, isinagawa ang turnover ng dalawang (2) brand-new Mobile Pharmacies na magsisilbing katuwang sa paghahatid ng mga serbisyong pangkalusugan at gamot sa iba’t ibang bahagi ng lalawigan. πŸ’™

Layunin ng programa na gawing mas accessible at mas malapit sa mga komunidad ang serbisyong pangkalusugan, lalo na para sa mga Novo Ecijano na nangangailangan nito.

πŸ“Έ Photo courtesy of Alyson Azarcon, Sales Executive | Hino Nueva Ecija at DWNE Teleradyo

06/09/2026

Payag ka bang hindi matuloy ang Barangay and SK Election 2026?

🚨 NUEVA ECIJA, LAGLAG MULI SA TOP 15!πŸ“’ ALTERNATIVE LEARNING MODES SA SEPTEMBER 4Batay sa inilabas na Memorandum Circular...
03/09/2026

🚨 NUEVA ECIJA, LAGLAG MULI SA TOP 15!

πŸ“’ ALTERNATIVE LEARNING MODES SA SEPTEMBER 4

Batay sa inilabas na Memorandum Circular No. 134, ipatutupad ang alternative learning modes at learning continuity measures sa lahat ng antas sa mga pampubliko at pribadong paaralan sa mga sumusunod na lugar ngayong Setyembre 4, 2026:

πŸ“ NCR
πŸ“ Ilocos Norte
πŸ“ Ilocos Sur
πŸ“ La Union
πŸ“ Pangasinan
πŸ“ Abra
πŸ“ Benguet
πŸ“ Zambales
πŸ“ Bataan
πŸ“ Bulacan
πŸ“ Tarlac
πŸ“ Pampanga
πŸ“ Cavite
πŸ“ Laguna
πŸ“ Batangas
πŸ“ Occidental Mindoro

❗ Wala ang Nueva Ecija sa listahan.

Kaya naman, laglag muli ang Nueva Ecija sa Top 15 ng mga lugar na sakop ng nationwide directive para sa alternative learning modes ngayong araw.

🌧️ Ang hakbang ay kaugnay ng inaasahang patuloy na malakas na pag-ulan dulot ng Habagat, habang isinasaalang-alang din ang iba pang kondisyon sa mga nabanggit na lugar.

⚠️ Paalala: Maaaring magpatupad ng localized cancellation o suspension ng klase ang mga Local Chief Executive kung kinakailangan, depende sa aktuwal na sitwasyon sa kanilang lugar.

πŸ“Œ Abangan ang opisyal na anunsyo ng inyong LGU at paaralan.

πŸ‡΅πŸ‡­πŸŒΎ SETYEMBRE 2 | 130TH ANNIVERSARY NG UNANG SIGAW NG NUEVA ECIJASetyembre 2, isang makasaysayang araw para sa ating lal...
02/09/2026

πŸ‡΅πŸ‡­πŸŒΎ SETYEMBRE 2 | 130TH ANNIVERSARY NG UNANG SIGAW NG NUEVA ECIJA

Setyembre 2, isang makasaysayang araw para sa ating lalawigan! πŸ‡΅πŸ‡­

Ngayong araw ay ginugunita natin ang Ika-130 Anibersaryo ng Unang Sigaw ng Nueva Ecija, isang makasaysayang yugto na sumasalamin sa tapang at katapangan ng mga Novo Ecijano na nanindigan at nakipaglaban para sa ating kalayaan.

Pinangunahan ni Governor Aurelio β€œOyie” M. Umali ang makabuluhang paggunita, kasama ang mga panauhing sina Department of Migrant Workers (DMW) Secretary Hans Leo J. Cacdac, mga opisyal ng pamahalaan, kinatawan ng iba’t ibang sektor, at mga Novo Ecijano na nakiisa sa makasaysayang pagdiriwang.

Kasabay ng paggunita sa ating kasaysayan, isinasagawa rin ang BAYANIHAN para sa Balikbayang Manggagawa at Grand Job Fair (Local at Abroad) sa Nueva Ecija Coliseum, Palayan Cityβ€”isang pagtitipon na naglalayong maghatid ng mas maraming oportunidad sa trabaho para sa ating mga kababayan, dito man sa Pilipinas o sa ibang bansa. πŸ’ΌπŸŒ

Lumipas man ang maraming henerasyon, nawa’y manatiling buhay sa atin ang kanilang tapang, pagmamahal sa bayan at diwa ng pagkakaisa.

Bilang mga Novo Ecijano, patuloy nating pangalagaan ang kalayaang kanilang ipinaglaban at magkaisa para sa isang mas maunlad, mas matatag at mas progresibong Nueva Ecija.

Ang kanilang sigaw noon, inspirasyon natin ngayon.
Ang kanilang ipinaglaban, responsibilidad nating ipagpatuloy. πŸ‡΅πŸ‡­

🌾 Mabuhay ang mga bayaning Novo Ecijano!
πŸ‡΅πŸ‡­ Mabuhay ang Nueva Ecija!

02/09/2026

Sana pala 3x sumigaw ang Nueva Ecija para hanggang Biyernes ang ligaya 🀭

OPORTUNIDAD ABROAD, TAMPOK SA JOB FAIR NG PAMAHALAANG PANLALAWIGAN NG NUEVA ECIJAIba’t ibang oportunidad sa trabaho sa i...
31/08/2026

OPORTUNIDAD ABROAD, TAMPOK SA JOB FAIR NG PAMAHALAANG PANLALAWIGAN NG NUEVA ECIJA

Iba’t ibang oportunidad sa trabaho sa ibang bansa ang I-aalok sa mga job seeker sa gaganaping Overseas Job Fair sa Setyembre 2, 2026 sa Nueva Ecija Coliseum, Barangay Singalat, Palayan City.

Bahagi ito ng mga aktibidad ng Pamahalaang Panlalawigan ng Nueva Ecija bilang pagdiriwang ng 130th Unang Sigaw ng Nueva Ecija, katuwang ang Department of Migrant Workers (DMW) at Nueva Ecija Provincial Public Employment Service Office (PESO).

Kabilang sa mga overseas recruitment agencies na lalahok ang EyeQuest International Manpower Services Inc., Rensol Recruitment and Consulting, Inc., ERRX Recruitment Consulting, at Peridot International Resources, Inc.

Narito ang ilan sa mga posisyong bukas para sa mga kwalipikadong aplikante:
πŸ‡ΉπŸ‡Ό TAIWAN
β€’ Factory Worker

πŸ‡³πŸ‡Ώ NEW ZEALAND
β€’ Electrical Trade Assistant
β€’ Fitter
β€’ Welder
β€’ HVAC Technician
β€’ Carpenter
β€’ Excavator Operator
β€’ Drainage Labourer
β€’ Concreter
β€’ Painter
β€’ Diesel Mechanic

πŸ‡±πŸ‡Ή LITHUANIA
β€’ Ship Hull Fitter
β€’ Electrician
β€’ Welder (MIG/MAG – Shipbuilding)
πŸ‡·πŸ‡΄ ROMANIA
β€’ Manicurist/Pedicurist

πŸ‡ΈπŸ‡³ SENEGAL
β€’ Technician
β€’ Chemical Engineer

πŸ‡ΊπŸ‡Έ UNITED STATES
β€’ Medical Technologist
β€’ Registered Nurse
β€’ Nursing Assistant

πŸ‡­πŸ‡Ί HUNGARY
β€’ Horticultural Worker (Male/Female)
β€’ Animal Care Worker (Male)

Gaganapin ang job fair mula alas-8:00 ng umaga sa Nueva Ecija Coliseum. Inaanyayahan ang mga interesadong aplikante na magparehistro sa link at ihanda ang mga kinakailangang dokumento para sa recruitment process.

https://forms.gle/SYucFuA2mrfpr6hNA

Courtesy of Nueva Ecija PESO

🚨 ERRATUM | WALANG PASOK MAP β€” NUEVA ECIJA 🚨Humihingi po kami ng paumanhin sa naunang post. Wesleyan University Philippi...
31/08/2026

🚨 ERRATUM | WALANG PASOK MAP β€” NUEVA ECIJA 🚨

Humihingi po kami ng paumanhin sa naunang post. Wesleyan University Philippines – Tarlac Campus po ang naglabas ng naturang anunsyo, at hindi ang Wesleyan University Philippines main campus.

πŸ“ WALANG PASOK MAP | NUEVA ECIJA
πŸ“… September 1, 2026
πŸ•– Data as of 7:54 AM, August 31, 2026

Narito ang mga class suspension / no face-to-face classes na naitala sa ilang bahagi ng Nueva Ecija:

🟒 ZARAGOZA
🚫 Walang Pasok – All Levels, Public & Private Schools
πŸ“Œ Source: Mayora Lally Belmonte

πŸ™ Muli, paumanhin po sa kalituhan at salamat sa inyong pang-unawa. Patuloy na nagmo-monitor ang Inside Nueva Ecija sa mga opisyal na anunsyo mula sa mga LGU at paaralan.

πŸ“² Follow ang Inside Nueva Ecija para sa mga susunod na updates.

Address

Cabanatuan City
3100

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Inside Nueva Ecija posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share