18/05/2026
🚨 CONTRIBUTO AFFITTO 2026 – COMUNE DI ROMA 🚨
Bukas na ang aplikasyon simula May 25!
Magandang balita! May bagong BONUS na para sa Contributo Affitto 2026 (Rental Subsidy) mula sa Comune di Roma. Isang malaking tulong ito para sa mga pamilyang nangungupahan, pero take note na limitado lang sa 5.4 million euros ang kabuuang pondo.
Kung qualified ka, wag nang patagalin at mag-apply na agad!
📋 Mga Requisiti at Detalye ng Bonus
ISEE: Para sa mga may ISEE na hindi hihigit sa 14,000 €.
Maximum Contributo: Pwedeng makakuha ng hanggang 2,000 € (maximum theoretical amount).
Importanteng Petsa: Ang submission ay magsisimula sa May 25, 2026 at magsasara sa July 24, 2026.
📩 Paano at Saan Pwedeng Mag-apply?
Para sa gabay at pag-submit ng inyong application, mag-apply na dito sa ERGA OMNES:
📍 Address: Via Ostia 28, Roma
👉 Pumunta lang sa opisina para ma-verify ang inyong requisiti at maproseso ang inyong application nang tama bago pa maubusan ng pondo!
Paalala: Dahil limitado ang pondo (5.4 million euros), mas mabuting mag-asikaso agad sa pagbubukas ng petsa. Huwag palampasin ang pagkakataong ito!