27/04/2026
26 TAONG BINAYARAN ANG BAKANTENG APARTMENT… PARA LANG MAHULI ANG PUMATAY SA KANYANG ASAWA
Noong 1999, gumuho ang mundo ni Satoru Takaba nang matagpuan ang kanyang asawang si Namiko na pinaslang sa loob mismo ng kanilang apartment.
Walang malinaw na suspek. Walang matibay na lead. At kalaunan, nanlamig ang kaso.
Para sa iba, mas madaling lumipat, magsimula ulit, at piliting kalimutan ang isang masakit na alaala. Pero si Satoru, hindi niya kayang talikuran ang lugar kung saan huling nakita ang katotohanan.
Sa halip na bitawan ang apartment, pinanatili niya ito.
Buwan-buwan, taon-taon, binayaran niya ang renta ng isang bahay na hindi niya tinitirhan. Umabot umano sa $145,000 ang kanyang nagastos—hindi para sa luho, kundi para mapanatili ang mga ebidensya.
Hindi niya pinabura ang mga bakas. Hindi niya pinalinis ang mga mantsa. Hindi niya hinayaang mawala ang mga yapak at marka na maaaring magsalita balang araw.
Ginawa niyang “time capsule” ang apartment—tahimik, walang tao, pero puno ng pag-asang balang araw, hahabol ang siyensya sa katotohanan.
At makalipas ang 26 na taon, nangyari nga iyon.
Gamit ang makabagong DNA technology, muling sinuri ng mga awtoridad ang mga naiwang ebidensya sa apartment. Doon lumabas ang isang pangalan: Kumiko Yasufuku—isang dating kaklase ni Satoru noong high school.
Ayon sa ulat, matagal umano nitong kinimkim ang sama ng loob matapos tanggihan ni Satoru ang kanyang damdamin noon.
Dalawang dekada ang lumipas, pero hindi sumuko ang isang asawang nagmahal.
Sa loob ng 26 na taon, hindi lang apartment ang binayaran ni Satoru.
Binayaran niya ang panahon.
Pinrotektahan niya ang katotohanan.
At sa huli, nakuha niya ang hustisyang matagal niyang ipinaglaban. Ctto