07/09/2026
Makikisakay na rin ako sa trending issue ngayon. 😁
Nabalitaan ninyo ba yung nangyari sa Iseltwald? Mga fans ng CLOY (Crash Landing on You), alam na alam ninyo siguro kung anong lugar ito! 😂
Hindi ko na babanggitin kung ano ang incident. Pero ito ang mismong lugar kung saan nangyari ang eksena—ang famous Iseltwald pier, isa sa shooting locations ng CLOY. Dito yung scene kung saan tumutugtog ng piano si Captain Ri. 🎹❤️
I’ve been there! Pero hindi na ako pumunta mismo sa platform kasi may mga tao at may 5 Swiss franc (387 pesos) fee para makapasok. 😁 Sayang ang 5 francs kaya! 😂
Sapat na sa akin na nakarating ako sa lugar at nakita ko mismo ang famous CLOY spot. 😀🇨🇭
Pero grabe rin ang dedication ng ibang fans. May mga talagang nag-ipon at nag-travel all the way to Switzerland just to visit the CLOY filming locations. And I get it—kapag favorite series mo, iba talaga ang feeling na makarating ka sa mismong lugar na nakita mo lang sa screen. ❤️
Unfortunately, para sa apat na Filipina tourists, ang excitement at saya ng pagpunta sa lugar na iyon ay nauwi sa lungkot at trauma dahil sa isang hindi inaasahang pangyayari.
Mas nakakalungkot pa dahil kapwa natin Pilipino ang naging bahagi ng pangyayaring iyon na tuluyang sumira sa kanilang masayang travel experience.
Kaya minsan, hindi lang magagandang tanawin at memories ang naiuuwi natin sa isang biyahe. May mga pagkakataong may mga pangyayaring hindi natin inaasahan—at sana, kahit saan tayo magpunta, tandaan natin na ang respeto sa kapwa ay walang pinipiling lugar o bansa. ❤️
Ikaw, magbabayad ka rin ba ng 5 Swiss francs para lang makatapak sa mismong lugar kung saan tumugtog ng piano si Captain Ri? 🎹😂
Ok na ako sa malapit lang! 😁 Baka mahulog pa ako.🤪