22/10/2026
Choose respect over content 👌🌸🥰🌙
Behind the viral word is a painful experience of a wife 🌸🥹
Sỗ traumatic
Andrea Agcio Sumakey
CHOOSE RESPECT OVER CONTENT: Hindi porket viral ay gagawing katatawanan 🥹
Trending ang salitang "esmiringhoy" ngayon. Ginawang meme, ginawang joke, ginawang caption sa TikTok at Facebook.
Nakakatawa sa una. Meme dito, punchline doon. Parang lahat gustong makisakay para sa likes, shares, at views.
Pero bago ka mag-post, huminga ka muna. Nalaman mo ba kung saan talaga ito nanggaling?
Ang nakikita mo online ay 1/4 lang ng buong buhay ng taong sangkot. Ang 15-second clip, ang isang salita, ang isang screenshot — hindi yan ang buong istorya.
Sa likod ng viral video na pinagtatawanan natin, mayroong masakit na katotohanan na hindi natin alam.
Na baka yung babaeng nakikita niyong "nakakahiya" sa video ay ilang taon nang lumalaban para buuin ang pamilya niya. Na baka ilang beses na siyang umiyak sa gabi, nagdasal, nagpatawad, nanahimik — hindi dahil mahina siya, kundi dahil mahal niya ang asawa niya, ang pamilya niya.
Na ang pagiging faithful ay hindi laging maganda pakinggan. Minsan, ang loyalty ay mukhang pagpapakatanga sa mata ng iba. Pero para sa isang taong may paninindigan sa marriage vows, ang pag-ibig ay hindi lang kilig. Ito ay pagtitiis, pagpapakumbaba, at paghawak kahit masakit na.
Na ang pamilya ay hindi teleserye.
THE FULL, PAINFUL STORY BEHIND THE VIRAL CLIP:
Sa Raffy Tulfo in Action nitong October 2026, lumapit si Evelyn Batuigas kasama ang asawa niyang si Ronald. Hindi para magpasikat.
Ang reklamo ni Evelyn: physical abuse, emotional neglect, at pagkakaroon ng kabit ng asawa.
At sa gitna ng pag-iyak niya, sinabi niya ang linyang naging viral: "Before we split, let's make esmiringhoy for the last time." Nagtaka ang host, ano daw yun? Doon niya sinabing ang ibig sabihin ay "magbembangan" — pagtatalik ng mag-asawa.
Pero ang hindi na-highlight ng internet ay ang pinakaugat ng sakit.
Ang totoo, bago pa man dumating sa puntong iyon, matagal nang may sugat ang pagsasama nila. Dumating si Evelyn sa stage ng pagiging malapit sa menopause — yung stage na pinagdadaanan ng maraming kababaihan pero hindi pinag-uusapan. Hormonal changes, pagod, sakit ng katawan, pagbaba ng gana, emotional rollercoaster. Dahil dito, ilang beses niyang nahindian ang asawa niya.
At doon nagsimula ang paglamig. Ang pakiramdam ni Ronald ay nire-reject siya. Ang pakiramdam naman ni Evelyn ay hindi siya naiintindihan. Hanggang sa ang dating pagtanggi na galing sa hormonal pain, naging dahilan ng pangangaliwa, pambabastos, at pananakit.
Kaya ang "esmiringhoy for the last time" ay hindi kalibugan. Ito ay huling pilit ng isang babaeng nasasaktan na gustong i-save ang kasal nila sa paraang alam niya.
ITO ANG KATOTOHANANG HINDI NAKIKITA NG MGA NAGMI-MEME:
Ang trending ay 1/4 lang ng buong buhay nila. Ang napanood natin ay 15 minutes. Ang hindi natin nakita ay 10+ years ng pagsasama, pag-aalaga sa mga anak, pagdarasal na maayos pa.
Sa likod ng biro ay kwento ng love, respect, at faithfulness. Si Evelyn, kahit sinaktan at niloko na, pinili pa ring maging asawa hanggang sa huli. Yan ang tunay na loyalty.
At ang salitang esmiringhoy ay hindi naman talaga bastos noon. Ayon sa KWF at sa mga Bisaya, ang ismiringhoy ay lumang slang pa noong 1970s. Ibig sabihin dati ay (1) nakakalokong ngisi, o (2) pakikipagrelasyon sa kabit, o (3) pinagsamang "esmi" (asawa) at "iring" (pusa). Hindi ito dating salita para sa s*x — pero naging bagong "jerjer" o "bembang" na lang dahil sa viral clip.
At ito ang pinakamasakit — ang sakit ng isang pamilya, naging content ng buong bansa.
BE MINDFUL. DO NOT CHOOSE CONTENT OVER RESPECT.
Hindi lahat ng trending ay dapat sakyan. Hindi lahat ng viral ay dapat gawing katatawanan. Minsan, ang pinaka-maka-taong content na pwede mong i-post ay ang HINDI pag-post.
At higit sa lahat — hindi lahat ng audience mo sa Facebook ay may asawa. Maraming bata, maraming dalaga at binata ang nanonood. Huwag nating ituro sa murang isip na ang s*x ay parang candy na pwede mong isigaw at gawing biro kahit saan. Huwag nating bastusin ang sagradong bagay ng mag-asawa para lang mag-viral.
Isipin mo — paano kung nanay mo si Evelyn? Yung pinagdadaanan niya sa menopause, yung rejection, yung pananakit na tinitiis niya — gusto mo ba na gawing meme ng buong Pilipinas?
May pamilya sa likod ng bawat viral clip. May menopause (and thats normal to all women), may luha, may dasal, at may pagmamahal na pilit binubuo — hindi sinisira.
May pagmamahal na hindi kayang i translate ng isang meme. 🌙
Piliin ang respeto kaysa sa views.