
28/04/2025
Tanong: PAANO MA VERIFY KUNG LEGIT?
I hope this helps!!
Lalo if big amount pera niyo.
Para lang sa mga sigurista na ayaw ma SCAM at sa kahit anong transactions online maski pa anong business yan.
3 Points Lang .…
pa assist kayo kung hindi registered ang booker niyo.
1. Kita ang mukha at name sa FB ay nababasa mong maayos.
2. Same ang mukha sa FB at VALID ID na ipakita sa iyo pag I video call mo, hindi siya hesitant.
3. Same name sa FB at Valid ID ang papdalhan mo ng pera.
hindi sa pangalan ng kung kanikanino ,
Ang negosyante may sariling account.
**"Disclaimer: para lang ha sa mga sigurista at nasa client pa rin yan na mag verify sa ka transact kahit baliktad name sa fb o chinese letters pa yan, walang video call at walang ID, at kahit sa alien pa ipapadala ang bayad, kayo lang po makaka verify sa ka transact niyo online.”**
👇
Para naman sa mga mas sigurista!!
ask the ff:
1. DTI registration - eto ay trade name ng may ari para wala siyang kaparehas. (NOT a Business Permit)
2. BUSINESS PERMIT or known as the Mayor's Permit - eto ay galing sa Mayor's Office na ibig sabihin ay may barangay clearance hanggang sa municipyo ay nag comply yan ng requirments para mapayagan mag operate ng Business legally.
3. BIR Registration
at OFFICIAL RECEIPT - para maging fully legal ,eto kukunin pagktapos ng permit issued by the mayor's office. kaya na mag issue ng officil receipt.
4. Complete name / valid ID ng kausap mo representing the business.
** Then accreditation to certain agencies in charge.
ay para alam natin ang identity ng ka transact natin. alam mo sino pwde inrecommend or mahabol ,mareklamuhan kung iskamin ka.