28/07/2025
Hindi madali tong pinagdaanan nating lahat na nadaanan ng bagyong Emong. Sa isang iglap, nawala ang lahat , ang espasyong naging tahanan ng maraming alaala, tawanan, at kwento. 💔 Lubos naming ikinalulungkot na ibalita sa inyo na pansamantala muna naming isasara ang D'Spot habang inaayos at inaangat naming muli ang aming munting tahanan.
Pero kahit gaano kalakas ang bagyo, mas matatag ang puso naming bumabangon. 💪 D’Spot will rise again , stronger, wiser, and even better than before.
Maraming salamat sa lahat ng nagpadala ng dasal, mensahe, at suporta. Hindi ito paalam, saglit lang kaming magpapahinga. We’ll keep you posted , promise namin 'yan. 🙏❤️