24/04/2026
๐๐ฎ๐ถ๐ป๐๐ผ๐ป: ๐๐ฎ๐ถ๐ป ๐๐ผ๐ป๐๐ฒ๐ป๐๐ถ๐ผ๐ป ๐ฎ๐ฌ๐ฎ๐ฒ
Bilang bahagi ng pagdiriwang ng Buwan ng Kalutong Filipino, matagumpay na isinagawa ang KainCon: Kain Convention 2026 noong Abril 23, 2026, sa pangunguna ng Bataan Peninsula State University.
Dinaluhan ito ng mga mag-aaral at mga g**o mula sa ibaโt ibang paaralan, tourism officers, tour guides, at iba pa, na nagkaroon ng pagkakataong mapalalim ang kanilang kaalaman sa larangan ng gastronomiya sa pamamagitan ng mga makabuluhang talakayan ng mga panauhing tagapagsalita.
Nagbigay ng mensahe sina Bokal Mylene Serrano, Tagapangulo ng Komite sa Turismo, kinatawan mula sa Department of Tourism โ Region 3 na si Ms. Ronsan Pelariza, Chef Jam Melchor ng Philippine Culinary Heritage Movement, at Prof. Cristina G. Rivera mula sa Bataan Peninsula State University. Kasama rin sa pagdiriwang si Mr. Steven Villaspin, kinatawan mula sa National Commission for Culture and the Arts.
Tampok sa programa ang serye ng mga talakayan mula sa mga eksperto sa industriya: si Ms. Lailie Uy-Sicdawag, Ph.D., na tinalakay ang โGuardians of Flavor: Preserving Philippine Culinary Heritage for Future Generationsโ; si Ms. Pacita Juan para sa โFrom Farm to Feast: Building Sustainable Food Systems in Philippine Gastronomyโ; si Mr. Ruston Banal na nagbahagi ng โRediscovering Indigenous Ingredients: The Future of Filipino Cuisineโ; at si Ms. Tracey Santiago na tumalakay sa โFood Tourism and Culinary Heritage: Positioning Philippine Regions as Gastronomy Destinations.โ
Naging makabuluhang plataporma ang KainCon 2026 sa pagpapalawak ng kaalaman at pagpapahalaga sa lutuing Pilipino, mula sa pinagmulan ng mga sangkap hanggang sa papel nito sa turismo at kultura.
Sa bawat kaalamang naibahagi at ideyang naipasa, muling pinagtibay na ang pagkain ay hindi lamang bahagi ng pang-araw-araw na buhay, kundi isang mahalagang tagapagdala ng ating identidad bilang Pilipino.