27/05/2026
๐จ๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐!
Isang makulay at makasining na patimpalak ang ating nasaksihan sa Logo Making Contest para sa Kapistahan ni San Juan Bautista at ika-67 na Parada ng Lechon.
๐ ๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐
ang opisyal na itinanghal na kampeon at lumikha ng logo na magsisilbing simbolo ng ating pagdiriwang ngayong taon, matapos ang kaunting pagbabago ayon sa pinal na pagsusuri ng komite.
Isang taos-pusong pasasalamat sa lahat ng kalahok na nagbahagi ng kanilang talento, sipag, at pagkamalikhain para sa ating kultura at tradisyon. Nawaโy manaig ang respeto sa bawat isa bilang paggalang sa sining at sa ating pagkakaisa.
๐ ๐๐จ๐ฉ๐ฒ๐ซ๐ข๐ ๐ก๐ญ ๐๐ญ ๐๐๐๐ฅ๐๐ฅ๐ ๐ฌ๐ ๐๐๐ ๐ ๐๐ฆ๐ข๐ญ
Ang nanalong logo ay opisyal na pag-aari ng Hermandad San Juan Bautista.
Upang mapanatili ang integridad ng disenyo at maprotektahan ang lumikha nito, ang mga sumusunod na alituntunin ay dapat sundin:
โ
Pinahihintulutan:
โข Paggamit para sa opisyal na promosyon ng Kapistahan at Parada ng Lechon
โข Paglalagay sa social media, posters, banners, at iba pang official materials na may pahintulot ng komite
โข Paggamit ng mga kalahok sa Parada ng Lechon
๐ซ Mahigpit na ipinagbabawal nang walang nakasulat na pahintulot:
โข Pagbebenta o pagpaparami ng logo para sa personal o komersyal na pakinabang
โข Anumang pagbabago, pag-edit, o pag-aangkop ng disenyo
โข Paggamit para sa mga hindi kaugnay na events o commercial promotions
๐ Para sa partnerships, sponsorships, o awtorisadong paggamit (kabilang ang high-resolution copy), makipag-ugnayan lamang sa Hermandad San Juan Bautista Secretariat para sa tamang proseso ng pahintulot.
Mabuhay ang sining at kultura ng ating kapistahan! ๐ท๐ฆ