01/05/2026
Maligayang araw ng mga manggagawa!
Bilang bahagi ng ating adbokasiya para sa pag-unlad ng lokal na turismo at ekonomiya, buong-pusong nakikiisa ang Pamahalaang Lokal ng Bani sa paggunita ng Araw ng Manggagawa ngayong Mayo 1.
Ang ating mga manggagawa—mula sa sektor ng turismo, agrikultura, pangingisda, at serbisyo—ang tunay na haligi ng kaunlaran at nagbibigay sigla sa ating mga destinasyon at komunidad.
Sa patuloy na pagyabong ng turismo, sama-sama nating itaguyod ang disenteng trabaho, makatarungang oportunidad, at mas ligtas na pamumuhay para sa lahat.
Mabuhay ang manggagawang Pilipino! Mabuhay ang ating lokal na turismo!