22/07/2026
๐๐๐จ๐ก๐-๐จ๐ก๐๐๐๐ก๐ ๐๐ซ๐ฃ๐๐ข๐ฅ๐ ๐๐๐ ๐ก๐ข๐ฅ๐ง๐ ๐ง๐ฅ๐๐ฉ๐๐ ๐๐๐๐ฅ ๐ฎ๐ฌ๐ฎ๐ฒ: ๐จ๐ก๐๐ก๐ ๐ ๐๐๐๐๐๐ก๐ ๐ฃ๐๐๐๐๐ฅ๐๐ช๐๐ก๐ ๐ก๐ ๐ง๐จ๐ฅ๐๐ฆ๐ ๐ข, ๐๐จ๐๐ง๐จ๐ฅ๐, ๐๐ง ๐๐๐๐๐ก๐๐๐๐๐ก ๐ก๐ ๐๐๐ ๐๐ฅ๐๐ก๐๐ฆ ๐ก๐ข๐ฅ๐ง๐
Isang makasaysayang kaganapan ang nakatakdang maganap sa lalawigan sa pamamagitan ng kauna-unahang Explore Cam Norte Travel Fair 2026, isang malaking pagtitipon na naglalayong ipakita ang natatanging yaman ng turismo, kultura, at mga produktong ipinagmamalaki ng Camarines Norte.
Gaganapin ang unang travel fair na ito sa Hulyo 24โ26, 2026 sa SM City Daet, 2nd Floor Activity Center, kung saan magsasama-sama ang mga munisipalidad, tourism stakeholders, mga hotel at resort, tour operators, artisan, at ibaโt ibang grupo na may layuning itaguyod ang turismo ng lalawigan.
Sa temang โDiscover More to Love and Explore Cam Norte Travel Fair 2026,โ tampok sa tatlong araw na pagdiriwang ang mga natatanging atraksyong panturismo, kapana-panabik na tour packages, cultural presentations, quiz bees, travel games, at iba pang aktibidad na magbibigay-kulay sa karanasan ng mga bisita.
Layunin ng 1st ever Explore Cam Norte Travel Fair 2026 na buksan ang mas maraming oportunidad para sa lokal na turismo, suportahan ang mga negosyong nakapaloob sa industriya ng paglalakbay, at hikayatin ang mga Pilipino na tuklasin ang magagandang destinasyon ng Camarines Norte.
Higit pa sa isang travel event, ito ay isang pagkilos upang pagtibayin ang pagkakakilanlan ng lalawigan bilang isang destinasyong mayaman sa kalikasan, kultura, kasaysayan, at mga taong may pusong mapagkalinga.
Sa diwa ng โTurismo, Tayo Mismo!โ, inaanyayahan ang lahat na maging bahagi ng makasaysayang unang hakbang na ito tungo sa mas masigla at mas matatag na industriya ng turismo sa Camarines Norte.
Tuklasin ang bago. Mahalin ang CamNorte. Ipagmalaki ang ating bayan.
โ๏ธ | Pastor Jhun Villaraza
๐จ | Niel Arnie Sabacoโ
โ