12/04/2026
So proud of you guys🎉
Ipinagmamalaki ng Pamahalaang Lungsod ng Sto. Tomas ang pagbati sa ating mga kapwa Tomasino, 𝗚𝗻𝗴. 𝗘𝗶𝗮𝗵 𝗠𝗮𝗿𝗶𝗲 𝗛𝗶𝗺𝗼𝗿, 𝗮𝘁 𝗚. 𝗥𝗼𝗱𝗲𝗹𝗶𝗼 𝗛𝗶𝗺𝗼𝗿, na matagumpay na 𝗻𝗮𝗴𝘁𝗮𝗽𝗼𝘀 𝘀𝗮 𝗖𝗔𝗟𝗔𝗕𝗔𝗥𝗭𝗢𝗡 𝗥𝗲𝗴𝗶𝗼𝗻𝗮𝗹 𝗧𝗼𝘂𝗿 𝗚𝘂𝗶𝗱𝗶𝗻𝗴 𝗖𝗼𝘂𝗿𝘀𝗲 (Unang Batch ng 2026) ng Department of Tourism Region IV-A.
Matapos ang masinsinang 30-araw na pagsasanay, sila ay kabilang sa dalawampung (20) nagtapos na pinarangalan sa ginanap na seremonya ng pagtatapos sa Technopark Hotel noong Marso 12, 2026.
Ang tagumpay na ito ay isang mahalagang hakbang tungo sa pagiging bahagi ng susunod na henerasyon ng mga akreditadong Regional Tour Guides ng CALABARZON.
Ipinagmamalaki namin ang inyong dedikasyon at malasakit sa pagsusulong ng turismo at sa pagpapakita ng mayamang kultura at pamana ng ating rehiyon.
Congratulations!
#𝗠𝗮𝗵𝗮𝗹𝗶𝗻𝗡𝗮𝘁𝗶𝗻𝗔𝗻𝗴𝗟𝘂𝗻𝗴𝘀𝗼𝗱𝗡𝗴𝗦𝘁𝗼𝗧𝗼𝗺𝗮𝘀
#𝗔𝗸𝘀𝘆𝗼𝗻𝗕𝗶𝗹𝗶𝘀𝗡𝗮𝗠𝗮𝘆𝗡𝗴𝗶𝘁𝗶𝗻𝗴𝗧𝗼𝗺𝗮𝘀𝗶𝗻𝗼