Kusina ni Ate Ems

Kusina ni Ate Ems Services offered:
*Female dormitory
*Room transient
*Cooking and food services for al occasions Alam ba ninyo?

na ang KUSINA ni Ate Ems ay nagsimula sa fishballs, kikiam, squidballs, burgers & shakes lamang...

na una itong tinawag sa pangalang Eyeball Station taong 1996...

na ang mga crew ay pawang Amateur Radio Enthusiasts kung kaya ang kainan na ito ay ginawang literal na tagpuan o Eyeball Station ng mga mahihilig sa 2-way Radio Communication na ang mga dumarayo ay nagmumula pa sa malalayong syudad at

probinsiya...

na noong panahon na iyon ay mas kilala ang Ate Ems bilang Gemini at ang Kuya Nhald bilang Morley na kanilang gamit na call sign sa Amateur Radio...

ang 149.850 VHF ang home frequency na unang ginamit ng noon'y magkasintahan pa lamang na sina Kuya Morley at Ate Gemini...

na bukod sa pagkain at kuwentuhan sa radyo ay dating guro at musikero ang Kuya Morley...

na noong taong 1997 ay unti-unting nakilala at lumago dahil sa malinamnam na lutuin ng Ate Ems ang kanilang kainan na ngayon ay isinunod sa kaniyang pangalan at patuloy na dinarayo ng mga mahihilig kumain na mula pa sa malalayong syudad at probinsya...

Ang KUSINA na nabuklod ng masasayang mga ala-ala ng pamilya, pagmamahalan, pagkakaibigan at masasarap na mga lutuing magpahanggang ngayo'y nagsisilbi sa ating hapag-kainan...

ang KUSINA ni Ate Ems...

Address

1632 Purity Street Graceville Pag-asa
Binangonan
1940

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Kusina ni Ate Ems posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share