13/05/2026
𝐀𝐁𝐈𝐒𝐎 𝐒𝐀 𝐏𝐔𝐁𝐋𝐈𝐊𝐎
𝘗𝘢𝘳𝘵𝘪𝘤𝘪𝘱𝘢𝘵𝘪𝘯𝘨 𝘎𝘢𝘴 𝘚𝘵𝘢𝘵𝘪𝘰𝘯𝘴 𝘧𝘰𝘳 𝘗10-𝘱𝘦𝘳-𝘭𝘪𝘵𝘦𝘳 𝘍𝘶𝘦𝘭 𝘚𝘶𝘣𝘴𝘪𝘥𝘺
Narito ang listahan at address ng mga participating gas stations sa buong bansa na kalahok sa P10-per-liter Fuel Subsidy Program ng Department of Energy (DOE): https://drive.google.com/drive/folders/10HmNfwIrb0hzvW8EXIOX8UEhV0Hc6O5y?usp=sharing
Ipinatutupad ang programa katuwang ang Department of Transportation (DOTr), Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB), at LandBank of the Philippines bilang bahagi ng tulong ng pamahalaan para sa sektor ng pampublikong transportasyon.
Maaring mag-avail ang mga kwalipikadong benepisyaryo ng 𝗺𝗮𝘅𝗶𝗺𝘂𝗺 𝗼𝗳 𝟭𝟱𝟬 𝗹𝗶𝘁𝗲𝗿𝘀 𝗽𝗲𝗿 𝘄𝗲𝗲𝗸 𝗳𝘂𝗲𝗹 𝗱𝗶𝘀𝗰𝗼𝘂𝗻𝘁 𝗽𝗮𝗿𝗮 𝘀𝗮 𝗺𝗴𝗮 𝘁𝗿𝗮𝗱𝗶𝘁𝗶𝗼𝗻𝗮𝗹 𝗮𝘁 𝗺𝗼𝗱𝗲𝗿𝗻 𝗷𝗲𝗲𝗽𝗻𝗲𝘆𝘀, 𝗮𝘁 𝗨𝗩 𝗘𝘅𝗽𝗿𝗲𝘀𝘀 𝘂𝗻𝗶𝘁𝘀 𝘀𝗮 𝗯𝘂𝗼𝗻𝗴 𝗯𝗮𝗻𝘀𝗮. Upang malaman kung kabilang ang isang gas station sa programa, makikita ang mga nakapaskil na tarpaulin sa harapan ng mga participating gas station.
Bahagi ito ng na pagsisikap ng pamahalaan na maibsan ang epekto ng pagtaas ng presyo ng langis alinsunod sa direktiba ni Pangulong Ferdinand R. Marcos, Jr.
𝗣𝗮𝗮𝗹𝗮𝗹𝗮: Patuloy na bisitahin at i-check ang listahan para sa mga updates at dagdag na participating gasoline stations sa buong bansa.