06/05/2026
๐ง๐๐๐ญ๐ ๐๐ฒ๐ป๐ฒ๐ฟ๐ฎ๐น ๐ ๐ฎ๐ป๐ฎ๐ด๐ฒ๐ฟ ๐ ๐ฎ๐ฟ๐ธ ๐๐ฎ๐ฝ๐ถ๐ฑ, ๐ก๐ฎ๐ด๐๐ฎ๐ด๐ฎ๐๐ฎ ๐ป๐ด ๐ฆ๐ถ๐๐ฒ ๐๐ป๐๐ฝ๐ฒ๐ฐ๐๐ถ๐ผ๐ป ๐๐ฎ ๐๐๐ถ๐ป๐ฎ๐๐ฎ๐๐ผ๐ป๐ด ๐ง๐ฅ๐๐ฆ๐ฆ ๐๐ผ๐ป๐ด๐ฎ๐ฏ๐ผ๐ป๐ด
Mainit na tinanggap ng Pamahalaang Bayan ng Bongabong sa pangunguna ng ating Municipal Mayor Mike Malaluan kasama ang ating minamahal na Ama ng Lalawigan Governor Humerlito "Bonz' Dolor ang pagbisita ni Mark Lapid, General Manager ng Tourism Infrastructure and Enterprise Zone Authority (TIEZA), para sa isinagawang site inspection ng Tourist Rest Stop and Souvenir Shop (TRASS) sa bayan.
Ang TRASS Bongabong, na na-groundbreak na ilang buwan na ang nakalipas, ay inaasahang magsisilbing pahingahan ng mga turista at biyahero, at magsisilbi ring sentro ng mga lokal na produkto at souvenir na magbibigay ng dagdag kabuhayan sa mga mamamayan ng bayan.
Sa kanyang pagbisita, personal na sinuri ni GM Lapid ang progreso ng proyekto at muling pinagtibay ang patuloy na pakikipagtulungan ng TIEZA sa lokal na pamahalaan upang maisakatuparan ang mga programang magpapalakas sa turismo sa Oriental Mindoro.
Kinikilala ng lokal na pamahalaan ang TIEZA bilang isang matatag at maaasahang kaagapay sa pagpapaunlad ng turismo. Sa pamumuno ni GM Mark Lapid, patuloy na naipatutupad ang mga proyektong nagbubukas ng oportunidad para sa mas masiglang ekonomiya ng lalawigan lalong-lalo na sa Bayan ng Bongabong.
Lubos ang pasasalamat ng Pamahalaang Bayan ng Bongabong sa TIEZA at kay GM Mark Lapid sa kanilang walang sawang suporta at malasakit sa bayan.