07/09/2025
💥Tips sa mga dapat mong gawin Kung Na-late sa Connecting Flight
1. Huwag mag-panic, diretso sa airline desk agad
• Hanapin ang airline transfer desk o ground staff ng carrier kung saan ka may connecting flight.
• Sila ang magbibigay ng options para sa rebooking o alternative flight.
2. Tingnan kung covered ng airline ang delay
• Kung airline ang may kasalanan (na-delay ang unang flight):
• Kadalasan, libre kang i-rebook.
• Pwede ring may libreng meals, hotel, o transport depende sa haba ng delay.
• Kung personal reason (late ka pumasok sa boarding gate):
• Malamang hindi covered, at kailangan mong bumili ng bagong ticket o magbayad ng rebooking fee.
3. I-check ang insurance
• Kung may travel insurance ka (lalo na yung may missed connection coverage), pwede kang mag-claim ng:
• Reimbursement ng bagong ticket
• Meal and accommodation allowance
• Assistance service para sa next flight booking
4. Maghanda ng backup documents
• Ipakita ang original boarding pass at stub ng delayed flight para patunay na hindi mo kasalanan.
• Kung may medical emergency o valid reason, dapat may supporting documents (medical certificate, police report, etc.).
5. Contact your agency/employer (kung OFW)
• Para alam nila na madi-delay ang dating mo.
• Sa ibang bansa, may mga employer na sumasalo ng gastos kung official deployment flight.
6. Mag-check ng next available flight options
• Pwede kang ilagay ng airline sa standby list.
• Kung fully booked, baka sa susunod na araw ka pa makaalis.
7. Maghanda para sa layover expenses
• Kung hindi sagot ng airline, ikaw ang magbabayad ng pagkain o hotel habang naghihintay.
• Kaya laging magdala ng extra emergency funds.
8. Gamitin ang mobile app ng airline
• Doon makikita kung may bagong assigned flight.
• Minsan mas mabilis mag-rebook gamit ang app kaysa makipila sa counter.
9. Huwag iwanan ang airport agad
• Kadalasan, ang airline assistance ay nasa loob lang ng airport.
• Kung lumabas ka, baka mawalan ka ng karapatan sa free rebooking o accommodation.
10. Learn for next time
• Piliin ang flight na may at least 3–4 hours layover para may allowance kung ma-delay ang unang flight.
• Iwasan ang sobrang dikit na connecting flights