18/08/2026
𝗪𝗔𝗟𝗔𝗡𝗚 𝗣𝗔𝗦𝗢𝗞 𝗦𝗔 𝗕𝗨𝗞𝗔𝗦, 𝗔𝗚𝗢𝗦𝗧𝗢 𝟭𝟵, 2026
BUKAS, Agosto 19, 2026, suspendido ang face-to-face classes mula Elementary hanggang Kolehiyo, pampubliko at pribado, sa buong lalawigan.
📍 Occidental Mindoro
📍 Oriental Mindoro
Kasabay nito, suspendido rin ang face-to-face work sa mga tanggapan ng pamahalaan, alinsunod sa Memorandum Circular No. 129, dahil sa patuloy na pag-ulan dulot ng Hanging Habagat.
Ipapatupad naman ang Alternative Learning Modes sa mga paaralan at Alternative Work Arrangements sa mga tanggapan ng pamahalaan.
Mananatiling bukas at nakaantabay ang mga tanggapan at ahensiyang may tungkulin sa kaligtasan at kalusugan ng publiko.
Mag-ingat at manatiling alerto, mga kababayan!