
24/02/2025
🔴 BABALA SA PUBLIKO: PEKENG APARTMENT FOR RENT SCAM SA IMUS, CAVITE 🔴
Nais po naming ipaalam sa lahat na may lumapit sa amin ngayong araw upang ireport na sila ay nabiktima ng isang scam. May taong gumagamit ng pangalan ng isa sa mga may-ari ng Villa Seoul Homestay, si Maria Christina Theresa Lagria, upang makapanloko gamit ang pekeng Facebook account at pekeng negosyo.
⚠️ Narito po ang LEGIT at TANGING Facebook account ni Maria Christina Lagria:
🔗 https://web.facebook.com/mctslagria
⚠️ Para sa mga lehitimong booking at inquiries sa aming villa, makipag-ugnayan lamang dito:
🏡 https://www.facebook.com/villaseoulph
‼️ BABALA: Isang scammer ang nagpapanggap gamit ang Facebook account na "Chrizzie Lagria" at nagpapakita ng stolen passport info bilang supporting document. Ang kanilang modus ay mag-alok ng apartment for rent sa Imus, Cavite upang makakuha ng pera mula sa mga biktima.
📌 PAALALA SA LAHAT:
✅ Siguraduhin na sa mga opisyal na account lang makipag-ugnayan.
✅ Huwag basta-basta magpadala ng bayad kung hindi sigurado sa kausap.
✅ I-report agad ang kahina-hinalang transaksyon sa awtoridad.
Maging mapanuri at iwasan ang panloloko! Ibahagi ang babalang ito upang makatulong sa iba. Salamat po.