15/05/2026
πππππππ, ππ. π ππ βπππππβπ ππππ πππππππ ππ πππππ ππ ππππβ- πππ
Ipinagmalaki ng Department of Tourism (DOT) MIMAROPA na pumangalawa ang Palawan sa listahan ng βWorldβs Best Islands to Visit in 2026β ng U.S. News & World Report.
Ayon sa DOT MIMAROPA, kinilala ang Palawan dahil sa mga tanyag nitong limestone cliffs, lagoons, dive sites, at iba pang likas na atraksyon na dinarayo ng mga turista mula sa ibaβt ibang bansa.
Tinukoy rin ng ahensya ang Tubbataha Reefs Natural Park at iba pang destinasyon sa lalawigan bilang ilan sa mga tampok na lugar sa Palawan.
Hinimok naman ng DOT MIMAROPA ang mga turistang bibisita sa Palawan na mag-book lamang sa mga DOT-accredited tour operators at travel agencies upang matiyak ang maayos at ligtas na biyahe.
CTTO