09/03/2026
Tips paano makatipid sa gas (para sa mga hindi kaya mag pa full tank)
*avoid po natin ang panic buying as this might create artificial shortage.
Leave early. This will save you a lot of gas, less stress pa! For example 6am kayo umaalis para pumasok sa trabaho, try leaving around 530, ang laki ng difference sa bilis ng daloy ng trapiko, kaya mas matipid.
Huwag bigatan ang tapak sa gas pedal. according to studies kapag nag slowdown tapos biglang mabilis na acceleration o mabigat na tapak sa gas, maaring tumaas ang fuel consumption by as much as 30 percent. Kaya kapag nasa highway, as much as possible maintain speed dahil fuel efficient na, mas safe pa.
Next, since nasa gas station na rin naman kayo, check na rin natin ang tire pressure. Kapag tama ang tire pressure, nababawasan ang friction kaya better ang mileage ng mga sasakyan natin.
Marami ka bang gamit sa sasakyan na hindi mo naman talaga kailangan? Extrang mga sapatos at damit, doble-dobleng payong, mga libro etc na nakatambak sa trunk at araw-araw mo dala sa office pero hindi mo naman kailangan, ibaba nyo na po muna sa garahe. Kapag mas magaan ang load ng sasakyan, mas konti ang gas na nacoconsume natin.
Plan your trips. Kung dati sa ibang araw nyo pa iddrop off ang laundry, isabay nyo na sa trip nyo papunta sa work. Sabay nyo na rin ang grocery sa gabi para isang labas na lang. Kung anuman ang mga pupuntahan nyo, plan your route ahead para hindi pabalik-balik.
When using the aircon for the first time at mainit pa ang car dahil nainitan, open nyo muna ang window to release the hot air. This way mas madali para sa aircon na mapalamig ang car, making you use less fuel. Park nyo rin sa shade yung car sa halip na nakabilad sa araw.
Use alternative mode of transportation if possible. Take public transport, mag bike or maglakad lalo if short distance lang naman.