06/08/2026
PASARABO (Pasalubong)
Paligsahan sa Paglikha ng Non-Food Souvenirs
Opisyal na Alituntunin ng Paligsahan
Bilang bahagi ng pagdiriwang ng Buwan ng Turismo, inilulunsad ng Municipal Tourism and Cultural Development Office (MTCDO) ng Pamahalaang Bayan ng Dipaculao ang PASARABO: Paligsahan sa Paglikha ng Di-Pagkaing Souvenir. Layunin nitong mahikayat ang mga Dipaculaeรฑo na makalikha ng mga makabago, napapanatili at maipagbibiling souvenir na sumasalamin sa kultura, kasaysayan, likas na yaman, mga produktong lokal at pagkakakilanlan ng Bayan ng Dipaculao.
I. Kwalipikasyon
1. Bukas ang paligsahan sa lahat ng bonafide na residente ng Bayan ng Dipaculao, Aurora, anuman ang edad.
2. Maaaring kumatawan ang kalahok sa isang paaralan, organisasyon, samahan, barangay o iba pang grupo, subalit indibidwal lamang ang kategorya ng patimpalak.
3. Isang (1) entry lamang ang maaaring isumite ng bawat kalahok. At (15) kalahok lamang ang tatanggapin mula sa ipopost na QR CODE na para sa pag rehistro.
II. Mga Kinakailangan
1. Ang likhang souvenir ay dapat hindi pagkain (non-food) at may temang kaugnay ng turismo, kultura, tradisyon, kasaysayan, likas na yaman o mga lokal na produkto ng Dipaculao.
2. Dapat itong nagpapakita ng pagkamalikhain, pagka-orihinal, kalidad, pagiging napapanatili, at higit sa lahat ay may mataas na potensyal na maipagbili bilang produktong panturismo.
3. Ang bawat kalahok ay kinakailangang magsumite ng:๏ฟฝ
* Ang aktuwal na souvenir;
* Isang (1) salitang pamagat ng produkto;
* Isang paglalarawan ng souvenir na hindi lalampas sa 300 salita, na naglalahad ng inspirasyon, konsepto, mga materyales na ginamit, at potensyal nito bilang produktong panturismo.
4. Kung ang entry ay keychain, ref magnet, accessories, o iba pang maliliit na souvenir, kinakailangang magsumite ng hindi bababa sa limang (5) magkakaibang disenyo sa ilalim ng iisang konsepto ng produkto.
5. Mahalaga ang presentasyon, packaging, branding, at kabuuang kaayusan ng produkto, sapagkat ito ay kabilang sa pamantayan ng paghusga. Hinihikayat ang mga kalahok na magdisenyo ng souvenir na handa nang ilako sa merkado.
III. Mga Materyales
1. Hinihikayat ang paggamit ng mga napapanatili (sustainable), likas, at lokal na materyales.
2. Pinahihintulutan at hinihikayat ang paggamit ng epoxy resin upang mapahusay ang kalidad, tibay at presentasyon ng produkto.
3. Maaaring gumamit ng kabibe o shell kung ito ay mga bakanteng kabibe lamang na hindi na maaaring pamahayan ng anumang yamang-dagat. Mahigpit na ipinagbabawal ang pagkuha o paggamit ng mga kabibeng may buhay o maaaring maging tirahan pa ng mga lamang-dagat.
4. Ang lahat ng materyales ay dapat na sumusunod sa mga prinsipyo ng pangangalaga sa kalikasan.
IV. Inobasyon
1. Hinihikayat ang mga kalahok na gamitin ang Artificial Intelligence (AI) sa pagbuo ng konsepto, disenyo, packaging, label, branding, at promotional materials ng kanilang produkto.
2. Ang AI ay magsisilbi lamang bilang kasangkapan sa pagdidisenyo. Ang aktuwal na paggawa ng souvenir ay dapat isagawa ng mismong kalahok.
V. Pagmamay-ari ng mga Entry
1. Sa oras na maisumite ang entry, ang lahat ng souvenir, disenyo, konsepto, pamagat, larawan, promotional materials at iba pang kaugnay na dokumento ay magiging pagmamay-ari ng Municipal Tourism and Cultural Development Office (MTCDO), LGU Dipaculao.
VI. Pamantayan sa Paghuhusga
Pagkamalikhain at Pagka-orihinal 25%
Potensyal na Maipagbili (Marketability) 30%
Kalidad, Presentasyon at Packaging 20%
Kaugnayan sa Turismo, Kultura at Pagkakakilanlan ng Dipaculao 15%
Sustainability at Wastong Paggamit ng Materyales 10%
Kabuuan 100%
VII. Pangkalahatang Alituntunin
1. Ang pasya ng Lupon ng mga Hurado ay pinal at hindi na maaaring baguhin.
2. Maaaring madiskuwalipika ang sinumang kalahok na lalabag sa mga alituntunin o mapatunayang lumabag sa karapatang-ari (intellectual property rights) ng iba.
3. Inilalaan ng MTCDO ang karapatang baguhin o amyendahan ang mga alituntuning ito kung kinakailangan upang matiyak ang maayos na pagsasagawa ng paligsahan.
4. Ang mga nanalo na sa mga paligsahan sa mga nakaraang Tourism Month ay hindi muna pinapayagang makasali sa categoryang ito upang mabigyan daan ang mga bagong kalahok.