
12/12/2024
CONGRATULATIONS!!
Noong ika-9 ng Disyembre naganap ang 1st Batch of Step-Up Entrepreneurship Development Program graduation sa Quezon Convention Center. Ito ay pinangunahan ng ating Governor Doktora Helen Tan. Ang programang ito na 15 days training ay nagsimula noong Oktubre 22 na may layon na i-angat ang antas ng pagnenegosyo ng mga MSMEs at natapos naman nitong Nobyembre 15.
Pinarangalan ang LOLO PEPING BAKERY PRODUCTS MFG. bilang TOP 6 PRESENTER .
Kalahok din sa programa ang Healing Dew ng Yakap at Halik MPC, Hammer Milled Barako ng Cafe de Dolores, Hillside Food Products at D'Aroma ng Pinagdanlayan Rural Improvement Club MPC at ang D'Jean's.