19/05/2026
⚠️ 𝗣𝗨𝗕𝗟𝗜𝗖 𝗔𝗪𝗔𝗥𝗘𝗡𝗘𝗦𝗦: 𝗜𝗻𝗴𝗮𝘁 𝘀𝗮 𝗺𝗴𝗮 𝗦𝗖𝗔𝗠𝗠𝗘𝗥𝗦 𝘀𝗮 𝗚𝗖𝗮𝘀𝗵 𝗕𝗮𝗻𝗸 𝗧𝗿𝗮𝗻𝘀𝗳𝗲𝗿 ⚠️
Never ever send payment via “GCash Bank Transfer” kung hindi mo personally kilala o trusted ang ka-transact mo. 🚨
❗ Bakit?
Kasi sa GCash bank transfer, kahit MALI o kahit ANONG pangalan ang ilagay sa “Account Name,” magpo-proceed pa rin ang transaction basta tama ang account number. 😔
Ito ang usual style ng scammers:
❌ Magbibigay sila ng bank account instead of GCash number
❌ Gagamit sila ng ibang pangalan para magmukhang legit
❌ Minsan pangalan pa ng legit business/travel agency ang ginagamit
❌ Once nakabayad ka na — BLOCKED ka na agad 🚫
⚠️ Ang masama dito:
Kapag nabiktima ang customer, ang napagbibintangan tuloy ay yung LEGIT na business na ginamit ang pangalan kahit wala naman silang idea na ginagamit sila sa scam. 😢
🚨 IMPORTANT:
Sa bank transfer, hindi automatic na vine-verify ni GCash kung tugma ba talaga ang account name at account number. Kaya sobrang delikado kung basta-basta magsesend ng payment.
✅ Mas safe kung:
✔️ Humingi ng VERIFIED GCash number
✔️ Siguraduhin na MATCH ang pangalan sa GCash at pangalan/profile sa Facebook
✔️ I-check kung tugma ang pangalan bago magsend
✔️ Mag video call or ask for proof/valid IDs for big transactions
✔️ Mag research muna bago magbayad
✔️ Iwasan ang “rush payment” tactics ng scammers
🔍 At least kapag GCash number mismo ang gamit, mas madaling ma-trace ang identity ng scammer compared sa random bank transfer accounts.
🙏 Please share this post para mas maraming maiwasan mabiktima.
💙 Mahirap kitain ang pera — doble ingat lagi online!