28/02/2021
Di ko lang maexplain talaga yung pakiramdam. Yung wala ka naman ginagawa pero parang sobrang bigat sa dibdib yung dinadala mo. Sobrang exhausting. May gabi na bigla ka nalang malulungkot tapos marerealize mo na wala pala talagang andyan para sayo. And di nila alam na may battle kang kinakaharap. Gusto mo mag kwento kaso andun din yung thoughts na baka di ka nila maintindihan at burden ka lang. At the end maiiyak ka nalang kasi di mo alam paano talaga ilalabas yung bigat na nararamdaman mo. Halo halo na maiisip mo. Puro regrets, self blame, overthink about anything, sarili mo, future mo at expectations ng iba sayo. Tapos kinabukasan balik uli sa normal, hyper ka na uli.