LGU-Gregorio del Pilar

LGU-Gregorio del Pilar This is the Official page of the Municipality of Gregorio del Pilar, Ilocos Sur.

Bilang pagkilala sa mahusay na pamamahala, ang Bayan nating Gregorio del Pilar ay kabilang sa "2024 Good Financial House...
12/08/2025

Bilang pagkilala sa mahusay na pamamahala, ang Bayan nating Gregorio del Pilar ay kabilang sa "2024 Good Financial Housekeeping Passers," na inilabas ng DILG noong Pebrero 2025.

Malaki ang naging ambag sa tagumpay na ito ang matatag na pamamahala ng nagdaang Mayor at kasalukuyang Bise-Alkalde, Hon. Henry S. Gallardo.

Sinasalamin ng parangal ang tapat at responsableng paggamit ng pondo ng bayan, na nagpapatunay sa pagsunod ng Lokal na Pamahalaan sa mga pamantayan ng Accounting, Auditing, at Full Disclosure Policy. Ito ay mahalaga upang matiyak ang transparency, accountability, at epektibong paghahatid ng serbisyo publiko sa mga mamamayan.

📄 BUKAS NA PANAWAGAN SA PAGLIKHA NG BAGONG TAG LINE NG GREGORIO DEL PILARMagsumite na ng inyong mga lahok (entry)!Tema: ...
12/08/2025

📄 BUKAS NA PANAWAGAN SA PAGLIKHA NG BAGONG TAG LINE NG GREGORIO DEL PILAR

Magsumite na ng inyong mga lahok (entry)!
Tema: Isang tag line na sumasalamin sa diwa ng Gregorio del Pilar—kabayanihan, pagkakaisa, at pag-unlad.

GABAY AT ALITUNTUNIN SA PAGPILI NG BAGONG SIGAW NG PAGKAKAKILANLAN (TAG LINE) ng Gregorio del Pilar
Limitasyon:
* Isa hanggang tatlong salita lamang at dapat positibo, makabuluhan, at madaling tandaan.
Kriterya sa Pagpili:
* Kaugnayan sa kultura, kasaysayan, at adhikain ng bayan
* Orihinalidad at pagiging malikhain
* Kakayahang gamitin sa opisyal na komunikasyon, branding, at mga aktibidad ng LGU
Sino ang maaaring sumali:
* Bukas sa lahat ng residente ng Gregorio del Pilar

Panahon ng Pagsumite:
* Tatanggap ng entries mula ngayon, Agosto 11, 2025 hanggang Agosto 26, 2025.
* Maaaring isumite sa pamamagitan ng email sa [email protected] o sa tanggapan ng Punong Bayan ng Gregorio del Pilar.
Premyo:
* Ang napiling tag line ay gagamitin sa mga opisyal na programa ng LGU.
* May espesyal na pagkilala sa may-akda ng napiling entry.
* Gantimpalang salapi

Para sa karagdagang impormasyon, bisitahin ang aming mga social media account at website:
Facebook: officialgdelpilar
Email: [email protected]
Website: elgu-gregorio-del-pilar-ilocos-sur-news.e.gov.ph

Simula ngayong Lunes, Agosto 11, 2025, isinagawa sa Sitio Tubalina, Barangay Alfonso, Gregorio del Pilar ang nakatakdang...
11/08/2025

Simula ngayong Lunes, Agosto 11, 2025, isinagawa sa Sitio Tubalina, Barangay Alfonso, Gregorio del Pilar ang nakatakdang aktibidad ng mga sumusunod na tanggapan:
- Municipal Treasury Office
- Municipal Assessor’s Office
- Municipal Agriculture Office

Katuwang sa aktibidad ang Bureau of Fire Protection (BFP) – Gregorio del Pilar at ang Municipal Disaster Risk Reduction and Management Council (DRRMC) bilang gabay sa kaligtasan at kaayusan ng mga gawain.

Layunin ng aktibidad:
- Koleksyon ng Real Property Taxes at iba pang kaukulang buwis
- Pagpapatunay ng mga ari-arian, partikular sa aktuwal na gamit ng mga ito
- Pagtugon sa iba pang usapin at beripikasyon kaugnay ng mga ari-arian

Ang programang ito ay inilunsad upang maihatid ang mga serbisyo sa iba't ibang barangay ng ating munisipalidad.

Isinasagawa ngayong araw ang Buwanang LIGA Meeting sa ating bayan sa ilalim ng pamumuno ni Mayor Rogelio B. Bicasan Jr.P...
11/08/2025

Isinasagawa ngayong araw ang Buwanang LIGA Meeting sa ating bayan sa ilalim ng pamumuno ni Mayor Rogelio B. Bicasan Jr.

Pinangunahan ang pagpupulong ni LGOO VI/MLGOO Ms. Mely Bas-Angen, kung saan dumalo ang mga Barangay Officials upang talakayin ang patuloy na mga isyu at pangangailangan sa kani-kanilang barangay. Kabilang sa mga tinalakay ang mga programa ng Anti-Drug Abuse Council (ADAC) at Barangay Peace and Order Committee (BPOC).

Ang ganitong pagtitipon ay mahalagang hakbang sa pagpapalakas ng koordinasyon, kaayusan, at kapayapaan sa bawat barangay ng ating bayan.

Isang makabuluhang hakbang ang isinakatuparan ng Pamahalaang Lokal ng Gregorio del Pilar sa pangunguna ni Mayor Rogelio ...
11/08/2025

Isang makabuluhang hakbang ang isinakatuparan ng Pamahalaang Lokal ng Gregorio del Pilar sa pangunguna ni Mayor Rogelio B. Bicasan Jr., sa pormal na paggawad ng plate number sa yunit ng Bureau of Fire Protection (BFP) Gregorio del Pilar na pinamumunuan ni SFO4 Cloyd G. Acosta, Acting Municipal Fire Marshal.

Ang simpleng plaka ay nagsisilbing simbolo ng pagtutulungan, pagkilala, at suporta sa mahalagang tungkulin ng ating mga bumbero sa pagpapanatili ng kaligtasan ng bawat mamamayan.

“Sa bawat pagresponde, dala ang dangal ng bayan.”
Mabuhay ang BFP—katuwang ng LGU sa bawat hakbang tungo sa ligtas at maunlad na Gregorio del Pilar!

Protektado ang Ani, Sigurado ang Bukas!Inaanyayahan ang lahat ng rehistradong magsasaka sa ating Bayan ng Gregorio del P...
11/08/2025

Protektado ang Ani, Sigurado ang Bukas!

Inaanyayahan ang lahat ng rehistradong magsasaka sa ating Bayan ng Gregorio del Pilar na samantalahin ang Crop Insurance Program ng Department of Agriculture – Philippine Crop Insurance Corporation (DA-PCIC), katuwang ang Department of Agrarian Reform (DAR)!
📅 Hanggang Agosto 15, 2025 (Biyernes) lamang ang pagproseso ng aplikasyon.

✅ Saklaw nito ang inyong:
- Sakahan at ani
- Makinaryang pangsakahan
- Alagang hayop
- Pananim at palaisdaan
- At maging ang buhay ng magsasaka

“May insurance na, may kapanatagan pa!”
Huwag palampasin ang pagkakataong ito para sa mas ligtas at mas tiyak na kinabukasan ng ating mga magsasaka.

📄 MAGING BAHAGI NG KASAYSAYAN: Isumite na ang inyong mga lahok (entry)!Salamat sa mga naisumite ninyong mungkahi para sa...
10/08/2025

📄 MAGING BAHAGI NG KASAYSAYAN: Isumite na ang inyong mga lahok (entry)!

Salamat sa mga naisumite ninyong mungkahi para sa pangalan ng opisyal na pagdiriwang ng bayan nating Gregorio del Pilar.

Para sa mga hindi pa nakakapagsumite, heto ang bagong panawagan: May naghihintay na gantimpalang salapi para sa sinumang mapipili ang mungkahing pangalan. Kaya, ano pa ang hinihintay mo, kabayan?

Suportahan ang iyong mga mungkahi ng mga deskripsyon na hindi hihigit sa 300 na salita.

Panahon ng Pagsumite
Tumanggap ng entries mula noong Agosto 8, 2025
Huling araw ng tanggapan: Agosto 26, 2025
Maaaring isumite sa pamamagitan ng email sa [Email ng LGU] o sa tanggapan ng Punong Bayan ng Gregorio del Pilar.

BUKAS NA PANAWAGAN: Magsumite ng Isang Pangalan ng Pagdiriwang (Festival Name) para sa ating Bayan ng Gregorio del Pilar...
08/08/2025

BUKAS NA PANAWAGAN: Magsumite ng Isang Pangalan ng Pagdiriwang (Festival Name) para sa ating Bayan ng Gregorio del Pilar!

Mekaniks sa Pagbuo ng Pangalan ng na Opisyal na Pagdiriwang ng
Gregorio del Pilar:

Layunin:
• Itaguyod ang isang natatangi at makulturang pangalan ng pagdiriwang (festival) na magsisilbing simbolo ng pagkakakilanlan, pamana, at pagmamalaki ng Gregorio del Pilar, habang itinatampok ang mga lokal na produkto, tradisyon, at diwa ng komunidad.

Sino ang Maaaring Lumahok
• Bukas sa lahat ng residente ng Gregorio del Pilar
• Maaaring indibidwal o grupo ang sumali.

Gabayan sa Pagsumite ng Entry
Ang pangalan ng festival ay dapat:
• Orihinal at hindi pa nagamit sa ibang lugar.
• Sumasalamin sa kultura, kasaysayan, at mga local na produkto ng Gregorio del Pilar.
• Itampok ang mga lokal na produkto gaya ng:
o Root crops (hal. kamote, gabi)
o Gulay mula sa kabundukan
o Katutubong likhang sining
o Lokal na pagkain
o Agrikultura at eco-tourism na yaman
Bawat entry ay dapat may:
• Iminungkahing pangalan ng pagdiriwang
• Maikling paliwanag (hindi lalampas sa 300 salita) na naglalahad ng:
 Kahulugan ng pangalan
 Kaugnayan nito sa kultura at produkto ng Gregorio del Pilar
 Posibleng epekto nito sa turismo at pagkakakilanlan ng komunidad

Panahon ng Pagsumite
• Tatanggap ng entries mula ngayong Agosto 8, 2025 hanggang Agosto 26, 2025.
• Maaaring isumite sa pamamagitan ng email sa [Email ng LGU] o sa tanggapan ng Punong Bayan ng Gregorio del Pilar.

See more: https://tinyurl.com/yw5f5bn7

07/08/2025
Pinangunahan ni Hon. Rogelio B. Bicasan Jr., Municipal Mayor ng Gregorio del Pilar, ang isang makabuluhang pagpupulong k...
07/08/2025

Pinangunahan ni Hon. Rogelio B. Bicasan Jr., Municipal Mayor ng Gregorio del Pilar, ang isang makabuluhang pagpupulong kasama ang mga Barangay IPMRs (Indigenous Peoples' Mandatory Representatives) upang linawin ang mga hindi pagkakaunawaan at pag-usapan ang mas balanseng pagresolba sa mga isyung kinakaharap ng ating bayan.

Kasama rin sa talakayan sina , LIGA ng mga Barangay President Hon. Arnold C. Lawaguey, at Hon. Edgar O. Samoden, Municipal IPMR, na kapwa nagsusulong ng inklusibong pamumuno at pagkakaisa sa bawat sektor ng komunidad.

Sa pamamagitan ng bukas na konsultasyon, mas napapalalim ang pag-unawa at mas napapalakas ang pagtutulungan tungo sa mas maayos na pamahalaan.

NEGOSYO 3M on Wheels in partnership with the Office of the First Lady Liza Marcos' LAB FOR ALL (Laboratoryo, Konsulta at...
07/08/2025

NEGOSYO 3M on Wheels in partnership with the Office of the First Lady Liza Marcos' LAB FOR ALL (Laboratoryo, Konsulta at Gamot Para sa Lahat!) is rolling into Candon City Arena this August 12, 2025.

Iniimbitahan ang lahat ng rehistradong Micro, Small, and Medium Business Owners mula sa Gregorio del Pilar na makilahok sa programang ito. Kasama ang iba't ibang National Agencies, magdadala sila ng Medical Mission at mga serbisyong pangkabuhayan para sa ating mga MSMEs.

Para sa registration, mag-message lamang kay Ma'am Lani M. Tumbaga, Local Treasury Operations Officer II / BPLO.

Isang hakbang tungo sa mas malusog, mas maunlad, at mas masiglang komunidad!

Address

Poblacion Sur
Gregorio Del Pilar
2720

Opening Hours

Monday 9am - 5pm
Tuesday 9am - 5pm
Wednesday 9am - 5pm
Thursday 9am - 5pm
Friday 9am - 5pm

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when LGU-Gregorio del Pilar posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Business

Send a message to LGU-Gregorio del Pilar:

Share