
22/02/2025
Ayon sa survey na isinagawa ng Tangere mula Pebrero 10 hanggang Pebrero 12, nasa 73 porsyento ang bilang ng mga Pilipino na pabor na humarap sa impeachment court si Vice President Sara Duterte matapos siyang ma-impeach sa Kamara de Representantes noong Pebrero 5.
Makikita din sa naturang survey na 51 porsyento ang sumusuporta sa impeachment, nasa 27 porysento naman ang kontra dito habang 22 porsyento ang undecided.
Ipinakita din dito na nasa 51 porsyento ang sang-ayon na imbestigahan ang Statement of Assets, Liabilities, and Net Worth (SALN) ni Duterte habang 33 porsyento ang kontra dito.