22/07/2025
𝐀𝐁𝐀𝐍𝐆𝐄𝐑𝐒 𝐍𝐎 𝐌𝐎𝐑𝐄! 👀
Suspendido pa rin po ang klase bukas, Hulyo 23, 2025, sa lahat ng antas sa mga pampubliko at pribadong paaralan sa Lungsod ng Imus.
Kasabay nito, wala ring pasok sa mga tanggapan ng lokal na pamahalaan, bunsod ng tuloy-tuloy na pag-ulan dulot ng Habagat.
Samantala, ang mga opisina na may kaugnayan sa kalusugan, disaster response, at iba pang mahahalagang serbisyo ay magpapatuloy sa kanilang operasyon.
Ugaliing manatili sa loob ng bahay kung hindi kinakailangang lumabas, maging alerto sa posibleng pagbaha o pagguho ng lupa, at patuloy na sumubaybay sa mga opisyal na abiso mula sa pamahalaan.