24/09/2022
✈✈✈ REMINDERS ✈✈✈
PAALALA SA MGA NAGTRA-TRAVEL at GUSTO MAGBAKASYON.
PARA MAKATIPID at MAKA-MURA ng pamasahe sa eroplano, ganito yon:
✔Mas mura ang rates kapag malayo pa ang travel date.
✔Mas mahal sa PEAK SEASON, gaya ng December, summer vacation and Holyweek kasi maraming nagbabakasyon.
✔Kapag nag-announce ng promo ang airline, yan ay for a “LIMITED” booking period lang.
Hindi po kayo hihintayin ni airline kung kelan niyo gusto mag travel.
KASI GANITO YON:
✅ Halimbawa may 200 seats ang eroplano
✅ Syempre kukwentahin ni airline kung ilan ang minimum pax niya para kumita bawat lipad.
✅ If you notice 9 pax lang bawat booking ang pwede.
✅ Kasi hinahati ni airline ang number of seats sa 9 bawat segment.
✅ Bawat segment may presyo, simula sa cheapest promo rate.
✅ So unahan yan sa booking.
✅ Pag napuno yang unang segment... next segment available na, pero mas mataas na rate, and so on.
✅ Walang deadline ang promo, paunahan ng booking yan.
✅ At REMINDER hindi lang ikaw ang naghahanap ng murang pamasahe.
✅ Kaya pag sinabing promo, BOOK NA.
✅ At huwag naman 🔎 maghanap ng pamasaheng 500 pesos.🤦🏻♂️
✅ Kahit siguro witch na magpasakay sa iyo sa walis niya, sisingilin ka ng higit pa diyan.
TAKE NOTE:
📌May piso fare nga pero hindi totoong piso lang ang babayaran mo.
📌May Taxes and Booking Fees, Insurance at bagahe.
KAYA ITO ANG ADVICE KO:
Una: Planuhin in advance (at least 6 months) ang travel mo.
Pangalawa: Kung may promong swak sa travel date mo, book mo na agad.
Friendly reminder from your travel consultant.
For inquiries, DM me.📲