27/04/2025
๐ง๐๐ก๐๐ก๐๐ก: Muling naka-half-mast ang mga bandila ng Pilipinas sa New Imus City Government Center, Dambana ng Pambansang Watawat, at Imus City Plaza matapos ideklara ng Malacaรฑang ang Period of National Mourning bunsod ng pagpanaw ni Pope Francis.
Tumatak sa puso ng nakararami, Katoliko man o hindi, ang makasaysayan, makahulugan, at mahabaging paglilingkod ni Pope Francis bilang unang Heswita, unang Amerikanong Latino, at ika-266 na Santo Papa ng Simbahang Katolikong Romano.
Si Pope Francis ang naging tanglaw ng mahigit 1.3 bilyong Katoliko sa loob ng 12 taon mula Marso 13, 2013. Simbolo rin ang Santo Papa ng kapakumbabaan, kapayapaan, katarungan, pagkalinga sa mga mahihirap, pagkakapantay-pantay, at pagkakaisa.
Nagbigay rin siya ng pag-asa sa mga biktima ng Bagyong Yolanda sa pagbisita sa bansa noong Enero 2015. Hindi niya kailanman tinalikuran ang mga nangangailangan, at tumindig para sa mga inaapi.
Namayapa si Santo Papa Francisco nitong Abril 21, 2025, sa edad na 88 taon.
Mananatiling naka-half-mast ang mga bandila ng Pilipinas hanggang sa kanyang libing sa darating na Sabado, Abril 26.
Ang iyong pagpanaw ay malaking kawalan sa mundong ibabaw. Ngunit, habangbuhay kang mananatili sa puso ng milyong-milyong Pilipino.
Paalam, โLolo Kiko.โ Maraming salamat.