28/12/2025
2GO FERRY UPDATE AS OF DEC 28,2025:
Nais naming ipaalam na dahil sa technical concern, ang inyong byaheng MANILA - BUTUAN via SFX16-105 ay malilipat ng DECEMBER 30, 2025 - 2:30PM (HAPON) at tinatayang makakarating sa BUTUAN ng JANUARY 1, 2026 - 4:00AM (MADALING-ARAW). Ang pinakamaagang pagtanggap ng pasahero sa pier ay walong (8) oras bago ang biyahe habang ang boarding gate ay isasara na isang (1) oras bago ang byahe. Ang mga pasahero ay inaasahang nasa pier apat (4) na oras bago ang takdang pag-alis at pinapayuhang dalhin ang kanilang printed ticket at valid ID sa pag check-in.
Paumanhin po sa abalang maidudulot. Maraming Salamat po!🚢💛