Jalajala Tourism Office

Jalajala Tourism Office Contact information, map and directions, contact form, opening hours, services, ratings, photos, videos and announcements from Jalajala Tourism Office, Tourist Information Center, National Road, I. Pascual St. , Brgy. Special District, Jalajala.
(1)

Home of Fresh Milk
and Dairy Products๐Ÿฅ›๐Ÿฎ
Vegetable Basket of Rizal ๐ŸŒฝ๐Ÿฅฌ๐Ÿฅ’๐Ÿ†
Home of Natural Bounties of Rizal ๐Ÿž๏ธ



14/05/2026

๐ŸŽฅโœจ Tampok sa Unang Hirit ang sigla, kultura, at galing ng mga Rizaleรฑo sa โ€œPasyal sa Rizal 2026 Tourism and Trade Fairโ€ na ginanap sa House of Representatives of the Philippines! ๐Ÿ’š

Isang makulay na selebrasyon ng turismo, sining, kultura, at lokal na produkto mula sa ibaโ€™t ibang bayan ng Rizal na tunay na maipagmamalaki sa buong bansa. ๐Ÿ‡ต๐Ÿ‡ญโœจ

Maki Pasyal sa Rizal! ๐Ÿ˜
tuklasin ang Rizal! ๐ŸŒฟ๐Ÿž๏ธ
Ano Tara?









๐—ฃ๐—”๐—ฆ๐—ฌ๐—”๐—Ÿ ๐—ฆ๐—” ๐—ฅ๐—œ๐—ญ๐—”๐—Ÿ ๐Ÿฎ๐Ÿฌ๐Ÿฎ๐Ÿฒ ๐—ง๐—ข๐—จ๐—ฅ๐—œ๐—ฆ๐—  ๐—”๐—ก๐—— ๐—ง๐—ฅ๐—”๐——๐—˜ ๐—™๐—”๐—œ๐—ฅIsang makasaysayang pagbubukas ang naganap sa Pasyal sa Rizal 2026 Tourism an...
13/05/2026

๐—ฃ๐—”๐—ฆ๐—ฌ๐—”๐—Ÿ ๐—ฆ๐—” ๐—ฅ๐—œ๐—ญ๐—”๐—Ÿ ๐Ÿฎ๐Ÿฌ๐Ÿฎ๐Ÿฒ ๐—ง๐—ข๐—จ๐—ฅ๐—œ๐—ฆ๐—  ๐—”๐—ก๐—— ๐—ง๐—ฅ๐—”๐——๐—˜ ๐—™๐—”๐—œ๐—ฅ

Isang makasaysayang pagbubukas ang naganap sa Pasyal sa Rizal 2026 Tourism and Trade Fair na dinaluhan ng ibaโ€™t ibang Local Government Units mula sa buong Lalawigan ng Rizal. Ang nasabing programa ay ginanap sa House of Representatives of the Philippines bilang pagpapakita ng pagkakaisa at patuloy na pagsuporta sa pagpapalago ng turismo, kultura, at lokal na produkto ng bawat bayan sa Rizal.

Pinangunahan ang nasabing okasyon nina Cong Dino Tanjuatco at Cong Mia Ynares kasama ang ibaโ€™t ibang opisyal ng lalawigan at mga kinatawan ng mga bayan na buong pusong nagpakita ng kani-kanilang ipinagmamalaking produkto at turismo.

Mas lalong naging makahulugan ang paglahok ng bayan ng Jalajala sa pangunguna ng ating masipag, maaasahan, at tunay na suportadong punong bayan na si Hon. Jarry V. Aรฑago kasama sina Municipal Administrator Jamille Renerose B. Aรฑago, GSO Head/Municipal Legal Counsel Atty. Rudolf Soliman V. Andallo, Municipal Tourism Officer Mr. Marvin D. Escalicas, at ang BPLO na pinangungunahan ni Mrs. Kayle P. Bathan.

Ang kanilang walang sawang suporta ay patunay ng tunay na malasakit para maitaas ang antas ng turismo at kabuhayan ng bayan ng Jalajala.

Tampok sa booth ng Jalajala ang mga produktong tunay na sumasalamin sa kasipagan, talento, at likas na yaman ng ating bayan tulad ng Dairy Box fresh products, masustansyang vegetable noodles, masarap na itlog na maalat, at iba pang produktong lokal na likha ng mga Jalaleรฑo.

Ang bawat produktong ito ay hindi lamang pagkain o paninda, kundi simbolo ng pagkakakilanlan, kultura, at pagmamahal sa sariling bayan.

Sa patuloy na pag-angat ng turismo sa Jalajala, mas lalo nating pinatutunayan na ang ating bayan ay mayaman sa likas na yaman, produktong lokal, at mga mamamayang may sipag at dedikasyon.

Nawaโ€™y patuloy nating tangkilikin at suportahan ang sariling atin upang lalo pang umunlad ang lokal na turismo at mabigyang pagkakataon ang mas marami pang Jalaleรฑo na maipakita ang kanilang galing at talento sa mas malaking entablado.

Mabuhay ang mga produktong tatak Jalajala!
Mabuhay ang turismo ng Rizal!
Mabuhay ang mga masisipag na Jalaleรฑo!
Mabuhay ang Bayan ng Jalajala!

๐—ฃ๐—”๐—ฆ๐—ฌ๐—”๐—Ÿ ๐—ฆ๐—” ๐—ฅ๐—œ๐—ญ๐—”๐—Ÿ ๐Ÿฎ๐Ÿฌ๐Ÿฎ๐Ÿฒ | ๐—ง๐—ผ๐˜‚๐—ฟ๐—ถ๐˜€๐—บ ๐—ฎ๐—ป๐—ฑ ๐—ง๐—ฟ๐—ฎ๐—ฑ๐—ฒ ๐—™๐—ฎ๐—ถ๐—ฟOpisyal nang sinimulan ang pagbubukas at pagtitinda ng ibaโ€™t ibang booth mu...
11/05/2026

๐—ฃ๐—”๐—ฆ๐—ฌ๐—”๐—Ÿ ๐—ฆ๐—” ๐—ฅ๐—œ๐—ญ๐—”๐—Ÿ ๐Ÿฎ๐Ÿฌ๐Ÿฎ๐Ÿฒ | ๐—ง๐—ผ๐˜‚๐—ฟ๐—ถ๐˜€๐—บ ๐—ฎ๐—ป๐—ฑ ๐—ง๐—ฟ๐—ฎ๐—ฑ๐—ฒ ๐—™๐—ฎ๐—ถ๐—ฟ

Opisyal nang sinimulan ang pagbubukas at pagtitinda ng ibaโ€™t ibang booth mula sa mga bayan sa Lalawigan ng Rizal sa House of Representatives of the Philippines.

Masiglang nakilahok ang Bayan ng Jalajala at buong pusong ipinagmamalaki ang mga produktong bunga ng sipag, talento, at husay ng mga Jalaleรฑo.

Tampok sa booth ng Jalajala ang mga dekalidad na produkto tulad ng:
1. Dairy Products ng Llano Farmers Multi-Purpose Cooperative
2. Sipsarap Vegetable Noodles ng Sipsipin Multi-Purpose Cooperative
3. Golden Salted Egg ng MDG Foods Manufacturing

Halinaโ€™t suportahan ang produktong lokal at sariling atin!
Tikman, tangkilikin, at ipagmalaki ang yaman ng bayan ng Jalajala.

๐Ÿ“ Tara na at maki-Pasyal sa Rizal 2026!

๐๐€๐’๐˜๐€๐‹ ๐’๐€ ๐‘๐ˆ๐™๐€๐‹ ๐Ÿ๐ŸŽ๐Ÿ๐Ÿ” | ๐“๐จ๐ฎ๐ซ๐ข๐ฌ๐ฆ ๐š๐ง๐ ๐“๐ซ๐š๐๐ž ๐…๐š๐ข๐ซ โœจโค๏ธMasaksihan at bisitahin ang makulay at natatanging Booth ng Bayan ng Ja...
07/05/2026

๐๐€๐’๐˜๐€๐‹ ๐’๐€ ๐‘๐ˆ๐™๐€๐‹ ๐Ÿ๐ŸŽ๐Ÿ๐Ÿ” | ๐“๐จ๐ฎ๐ซ๐ข๐ฌ๐ฆ ๐š๐ง๐ ๐“๐ซ๐š๐๐ž ๐…๐š๐ข๐ซ โœจโค๏ธ

Masaksihan at bisitahin ang makulay at natatanging Booth ng Bayan ng Jalajala para sa ๐๐š๐ฌ๐ฒ๐š๐ฅ ๐ฌ๐š ๐‘๐ข๐ณ๐š๐ฅ 2026 Tourism and Trade Fair na gaganapin sa House of Representatives of the Philippines ngayong darating na ๐Œ๐š๐ฒ 11-13 at ๐Œ๐š๐ฒ 18-20, 2026!

Ang konsepto ng booth ng bayan ng Jalajala ay hango sa ipinagmamalaking ๐ƒโ€™๐ƒ๐š๐ฅ๐š๐ฒ๐ฅ๐š๐ฒ ๐…๐ž๐ฌ๐ญ๐ข๐ฏ๐š๐ฅ simbolo ng kultura, kasiyahan, at mayamang kabuhayan ng mga Jalaleรฑo mula sa Dairy, Isda, Palay, at Gulay na tunay na ipinagmamalaki ng Bayan ng Jalajala.

Tampok din sa nasabing Tourism and Trade Fair ang ibaโ€™t ibang produktong lokal mula sa ibaโ€™t ibang bayan ng Rizal na siguradong magpapakita ng galing, yaman, at kultura ng bawat Rizaleรฑo. Mula sa masasarap na pagkain, produktong agrikultura, handicrafts, hanggang sa mga natatanging pasyalan at tiyak na marami kang matutuklasan at magugustuhan!

Halinaโ€™t suportahan, tangkilikin, at lasapin ang mga produktong sariling atin! Sama-sama nating ipagmalaki ang ganda, kultura, at turismo ng Lalawigan ng Rizal.

๐Š๐ข๐ญ๐š-๐ค๐ข๐ญ๐ฌ ๐ฌ๐š ๐๐š๐ฌ๐ฒ๐š๐ฅ ๐ฌ๐š ๐‘๐ข๐ณ๐š๐ฅ 2026! โค๏ธ

Mabuhay ka Turismo๐ŸŽ‰๐ŸŽ‰๐ŸŽ‰

Maligayang pagdating, Rev. Fr. Eldrick Peรฑa! Nawaโ€™y maging mabunga ang iyong panunungkulan at patuloy mong akayin ang am...
30/04/2026

Maligayang pagdating, Rev. Fr. Eldrick Peรฑa! Nawaโ€™y maging mabunga ang iyong panunungkulan at patuloy mong akayin ang aming pamayanan sa pananampalataya.
Maraming salamat, Rev. Fr. Orllie Jose C. Santos, sa iyong tapat at mapagmahal na paglilingkod sa aming parokya. Ang iyong paggabay at malasakit ay mananatili sa aming puso. Muli, maraming maraming salamat po sa inspirasyon at paglilikod.

28/04/2026

๐Ÿ“ข ANNOUNCEMENT

Magandang araw po sa lahat!

Ipinapaalam po namin na ang ating inaabangang Medical Mission ay ipinagpapaliban muna ngayong araw.

Ang medical team po na manggagaling pa sa Nueva Ecija ay nasiraan ng sasakyan habang nasa biyahe papunta dito sa Jalajala kaya hindi po sila makakarating sa oras.

Naiintindihan po namin ang inyong pag-aabang at lubos po kaming humihingi ng pasensya sa abalang dulot nito. Rest assured po na ire-reschedule natin ito sa lalong madaling panahon, at agad po namin kayong ia-update.

Maraming salamat po sa inyong pang-unawa at patuloy na suporta. ๐Ÿ™

Ingat po tayong lahat!

Isang taos-pusong pasasalamat sa lahat ng ating mga naging katuwang "ang mga pribadong establisyemento" na walang sawang...
23/04/2026

Isang taos-pusong pasasalamat sa lahat ng ating mga naging katuwang "ang mga pribadong establisyemento" na walang sawang sumuporta sa nagdaang Mas Pinakulay at Mas Pinasayang D'Dalaylay Festival.

Ang inyong bukas-palad na pagtulong ay hindi lamang nagbigay-buhay sa bawat aktibidad, kundi naghatid din ng ngiti, saya, at pag-asa sa puso ng bawat Jalaleรฑo.

Higit pa rito, kayo ay naging buhay na patunay na kapag nagkaisa ang pamahalaan at ang pribadong sektor, nagiging posible ang mas maunlad, mas masigla, at mas masayang kinabukasan para sa ating bayan ng Jalajala.

Sa bawat ambag ninyo, naramdaman ng ating komunidad ang tunay na diwa ng pagkakaisa at malasakit.

Maraming salamat sa pagiging bahagi ng aming kwento, isang kwentong puno ng kulay, saya, at pagmamahal para sa bayan. โค๏ธ๐Ÿซฐ






Mga Larawan | Ika-119 Anibersaryo ng Pagkakatatag ng Bayan ng Jalajala.March 27, 2026Mas pinasaya at mas pinabongga ang ...
22/04/2026

Mga Larawan | Ika-119 Anibersaryo ng Pagkakatatag ng Bayan ng Jalajala.
March 27, 2026

Mas pinasaya at mas pinabongga ang pagdiriwang ng Dโ€™ Dalaylay Festival bilang bahagi ng ika-119 anibersaryo ng ating bayan. Tampok ang makukulay at kahanga-hangang pagtatanghal ng bawat barangay,punong-puno ng puso, talento, at makabayang likha.

Pinangunahan ng Street Dance Competition at Final Showdown ang matinding tagisan ng galing, husay, at creatividad ng mga mananayaw at delegado.
๐Ÿ† Champion โ€“ Barangay Sipsipin
๐Ÿฅ‡ 1st Runner-Up โ€“ Barangay Special District
๐Ÿฅˆ 2nd Runner-Up โ€“ Barangay Punta

โœจ Special Awards:
โ€ข Best in Street Dance โ€“ Brgy. Sipsipin
โ€ข Best in Costume โ€“ Brgy. Special District
โ€ข Best Festival Queen โ€“ Brgy. 3rd District
โ€ข Most Disciplined โ€“ Brgy. Special District
โ€ข Most Colorful โ€“ Brgy. Sipsipin

Hindi rin nagpahuli ang makukulay at detalyadong float ng bawat barangay na tunay na obra maestra:
๐Ÿ† Champion โ€“ Brgy. 2nd District
๐Ÿฅ‡ 1st Runner-Up โ€“ Brgy. Palaypalay
๐Ÿฅˆ 2nd Runner-Up โ€“ Brgy. Lubo

Dinaluhan ang nasabing selebrasyon ng mga matataas na opisyal kabilang sina Gov. Nina Ynares at Cong. Dino Tanjuatco na nagbigay inspirasyon sa ating lahat.

Sa pangunguna ng ating minamahal na Punong Bayan, Mayor Jarry V. Aรฑago, kasama si Vice Mayor Ramil D.V. Escarmosa at ang buong Sangguniang Bayan, patuloy ang kanilang buong suporta at pagmamahal sa bayan ng Jalajala.

Mabuhay ang bagong Jalajala!
Mabuhay ang Dโ€™ Dalaylay Festival!
Mabuhay ang husay at talento ng mga Jalajaleรฑo! ๐ŸŽ‰


Address

National Road, I. Pascual St. , Brgy. Special District
Jalajala
1990

Opening Hours

Monday 8am - 5pm
Tuesday 8am - 5pm
Wednesday 8am - 5pm
Thursday 8am - 5pm
Friday 8am - 5pm

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Jalajala Tourism Office posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share