13/08/2026
Heto na naman tayo, nagtanong sa akin pero sa iba nagbook kaya ayun nadouble gastos si client 🤔
CLIENT : Maam, magkano Davao-Manila?
ME : Pinakita lahat ng prices na pagpipilian.
CLIENT : Ay, sige Maam.
During flight
CLIENT: Maam, HELP paano po ito di po nasakyan yung nabook ko po kasi akala ko PM, yun pala AM. Wala po kasi nakalagay.
ME : Oops, nagpabook na po pala kayo Maam?Tanong mo po don sa nag-book sa inyo para ma-assist ka nila.
CLIENT : Sa isang page lang po kasi ako nagbook, hindi po kasi macontact. Bakit po ganon? Eh, sa inyong mga post kayo ng nag-assist ng mga Clients nyo para ma-settle yong flight.
ME : Ah, yan po talaga ang kaibahan namin maam na hindi naman kalakakihan ang service charge. Sa ganitong sitwasyon makakaasa ka na may mag-aasist sa'yo. Hindi kita iiwan hanggang sa makarating ka sa'yong destinasyon. Ngayon, dahil sa mura ka po nagpa-book ikaw ang tatawag sa airline at maghihintay kung kelan ka nila ma accomodate.
CLIENT : Maam, sorry po. Baka pwede nyo akong tulungan, emergency po talaga kasi.
ME : Pasensiya na maam, gusto man kitang tulungan pero hindi po talaga pwede. Kasi hindi galing sa amin ang booking transaction mo. Ang may power lang po dyan ay ang nagbook po sa inyo, dapat alam nyo po yan. 😊
MORAL LESSON: Huwag puro murang presyo lagi ang titingnan o hahanapin! Tingnan mo rin ang QUALITY OF SERVICE. Sa panahon ngayon halos lahat ng mga airlines may flight changes and restriction bawat lugar na puntahan nyo. Ang hanapin mo yung AGENT na makakatulong sayo at sasamahan ka hanggang sa makarating ka ng maayos sa lugar na pupuntahan mo, hindi yung after mo nag-bayad wala ng pake sayo.
JeKris Ticketing Services