21/05/2026
PAANO MAIWASAN ANG EXCESS BAGGAGE FEE 😭
Hindi nakakaiyak ang flight…
yung biglaang bayad sa check-in ang masakit. 😅
Here’s a practical guide para iwas gastos:
1️⃣ Check the baggage allowance agad
Iba-iba ang rules per airline at ticket type. Basahin mabuti bago ka mag-pack.
2️⃣ Timbang bago umalis ng bahay
Portable luggage scale is life saver. Mas ok ang prepared kaysa mag-repack sa airport.
3️⃣ Prepay kung kulang ang kilo
Mas mura mag-add online kaysa sa airport counter.
4️⃣ Piliin ang magaang na maleta
Kung mabigat na agad ang bag, bawas agad sa allowance mo.
5️⃣ Roll, don’t fold
Mas tipid sa space at mas organized tingnan.
6️⃣ Limit shoes
1–2 pairs lang na bagay sa iba’t ibang outfit. Sapatos ang silent killer sa timbang.
7️⃣ Isuot ang mabibigat sa byahe
Jacket, hoodie, rubber shoes? Isuot mo na.
8️⃣ Iwas “baka sakali” items
Kung hindi sure gagamitin, iwan na. Essentials lang.
9️⃣ Maximize hand carry (within rules)
Gadgets at mabibigat na allowed items ilagay dito. Check size dahil may charge ang over size limit.
🔟 Think ahead sa pasalubong
Mag-iwan na ng space papunta pa lang kung balak mong mamili.
Bonus hacks:
✔️ Dalhin ang travel-size toiletries
✔️ Gumamit ng vacuum/seal bags
✔️ I-check kung may free personal item aside sa hand carry
✔️ Weigh ulit bago umalis ng hotel papunta airport
✔️ Pagdating sa airport weigh ulit sa mga weighing scale dun bago mag drop ng luggages sa may check in counter para sure na tama ang timbang/kilo sa bagahe mo
Reminder: Iba-iba ang baggage policy depende sa airline at destination, so always check the official site bago bumiyahe.
Safe flight at tipid travel ✈️💼